Tiniyak ng Quezon City LGU ang kahandaan nito ngayong idineklara na ng PAGASA ang panahon ng tag-ulan.
Ayon kay QC Mayor Joy Belmonte, nakaalerto na ang Disaster Risk Reduction and Management Council (DRRMC) ng lungsod sa pagtama ng malalakas na bagyo at La Niña.
Punto ng alkalde, nananatiling target pa rin ng lungsod ang zero casualty at mabilis na paghahatid ng kaukulang tulong sa mga maaapektuhan ng mga pagulan at baha.
Sa ngayon, katuwang na aniya ng QCDRRM Council ang Emergency Operations Center (EOC) sa pagsasagawa ng regular na pre-disaster risk assessments at regular weather briefings.
Maging ang Urban Search and Rescue (USAR) Team ay nakaaleto rin sa paghahanda sa panahon ng emergency.
“We will also dispatch USAR personnel to cut portions of trees and remove debris from fallen trees reported in some parts of the city to keep our QCitizens out of harm’s way,” Belmonte.
Kasunod nito, hinikayat naman ng alkalde ang mga residente sa lungsod na sumangguni sa Helpline 122 kung kailangan ng saklolo tuwing may kalamidad. | ulat ni Merry Ann Bastasa