Umabot na sa ₱224-million ang kabuuang halaga ng family food packs (FFPs) na naipahatid ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga magsasaka, mangingisda, at mga pamilyang apektado ng El Niño sa buong bansa.
Ayon sa DSWD, may katumbas na itong 327,406 na family food packs na may lamang anim na kilo ng bigas, 10 delata, kape, at iba pa.
Kabilang sa mga rehiyong may pinakamalaking bilang ng naipamahaging tulong ang Region 6, Region 12, at MIMAROPA.
Samantala, bukod sa mga mangingisda at magsasaka, tuloy-tuloy rin ang pamamahagi ng humanitarian assistance sa mga komunidad na nakaranas ng matinding epekto ng tagtuyot.
As of May 20, aabot na sa ₱418-million ang naipamahagi nitong tulong sa mga apektado ng El Niño Phenomenon.
Nananatili ring nakahanda ang nasa ₱3.2-bilyong halaga ng assistance para tumugon sakaling madagdagan pa ang mga lugar na tamaan ng El Niño. | ulat ni Merry Ann Bastasa