₱8-M halaga ng non-food items, ipinadala ng OCD sa Batanes bilang paghahanda sa La Niña

Facebook
Twitter
LinkedIn

Maagang nagpaabot ng tulong ang Office of Civil Defense (OCD) sa Pamahalaang Panlalawigan ng Batanes partikular na ang non-food items na nagkakahalaga ng ₱8-milyong piso.

Ito, ayon sa OCD, ay upang maihanda na rin ang nabanggit na lalawigan sa inaasahang epektong dulot ng papalapit na La Niña lalo’t kilalang daanan ito ng bagyo.

Kabilang sa iniabot na tulong ng OCD ay pitong generator sets na magagamit sa tuloy-tuloy na operasyon sa sandaling mawalan ng suplay ng kuryente bunsod ng malalakas na bagyo at mga pag-ulang dala ng La Niña.

Ayon naman kay OCD Administrator, Undersecretary Ariel Nepomuceno, ang maagang pagposisyon sa mga relief good at kagamitan ang susi upang matugunan ang epekto nito sa bansa.

Maliban sa generator sets, ipinaabot din ng OCD ang family packs, shelter repair kits, hygiene kits, gayundin ay mga lubid na inaasahang makatutulong sa may 400 pamilya.

Kasunod nito, nagpulong din ang OCD gayundin ang mga alkalde sa lalawigan para talakayin ang iba pang mga hakbang upang paghandaan ang La Niña sa kanilang lugar. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us