DMW, tinulungan ang mga mangingisda laban sa manning agency na hindi nagbayad ng tamang sahod at iba pang isyu sa trabaho

Halos 100 mga mangingisda ang dumulog sa tanggapan ng Department of Migrant Workers (DMW) sa Mandaluyong City upang magreklamo laban sa Buwan Tala Manning Inc. Ang mga mangingisda ay naghain ng mga reklamo ukol sa hindi pagbabayad ng sahod, hindi regular na oras ng trabaho, at umano’y pagpapakain ng expired na pagkain. Ayon sa mga… Continue reading DMW, tinulungan ang mga mangingisda laban sa manning agency na hindi nagbayad ng tamang sahod at iba pang isyu sa trabaho

Public-Private Partnership, malaking tulong sa pagpapaunlad ng mga paliparan sa bansa – CAAP

Mas mapapabilis ang pagpapaunlad ng mga paliparan sa bansa dahil sa tulong ng pribadong sektor. Ito ang inihayag ni Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Deputy Director General for Administration Danjun Lucas sa Kapihan sa Bagong Pilipinas. Ayon kay Lucas, ang pakikipagtulungan sa pribadong sektor sa pamamagitan ng Public-Private Partnership (PPP) ay nakatutulong upang… Continue reading Public-Private Partnership, malaking tulong sa pagpapaunlad ng mga paliparan sa bansa – CAAP

PHIVOLCS Kanlaon Volcano Observatory, may paglilinaw tungkol sa mud flow sa ilang bahagi ng Negros Occidental kasunod ng pagputok ng Mt. Kanlaon

Nilinaw ng PHIVOLCS Kanlaon Volcano Observatory sa La Carlota City, Negros Occidental na hindi pa kumpirmadong lahar ang naiulat na umagos sa ilang daanan ng tubig sa La Castellana at Moises Padilla na parehong bayan sa lalawigan na malapit sa bulkan. Ayon kay Darryl Aro, Science Analyst ng PHIVOLCS -La Carlota Substation, sa ngayon patuloy… Continue reading PHIVOLCS Kanlaon Volcano Observatory, may paglilinaw tungkol sa mud flow sa ilang bahagi ng Negros Occidental kasunod ng pagputok ng Mt. Kanlaon

Usapin ng POGO bilang isang national security threat, pinanawagan ni Sen. Hontiveros na iakyat na kay Pangulong Marcos

Nanawagan si Sen. Risa Hontiveros sa National Security Council na iakyat na kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang usapin ng POGO bilang isang national security threat sa Pilipinas. Ayon kay Hontiveros, isa ito sa mga naging paksa sa ginawa nilang executive session kaninang umaga patungkol sa isyu ng POGO operations sa bansa. Bilang chairperson… Continue reading Usapin ng POGO bilang isang national security threat, pinanawagan ni Sen. Hontiveros na iakyat na kay Pangulong Marcos

Kanlurang bahagi ng Luzon at Visayas, makakaranas ng mga pag-ulan dulot ng habagat-PAGASA

Asahan nang makakaranas ng mga pag-ulan ang kanlurang bahagi ng Luzon at Visayas dulot ng Southwest Monsoon o habagat. Base sa pagtaya ng PAGASA, magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa mga apektadong lugar. Kabilang sa uulanin ang Metro Manila, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Zambales, Bataan, Tarlac, Pampanga,… Continue reading Kanlurang bahagi ng Luzon at Visayas, makakaranas ng mga pag-ulan dulot ng habagat-PAGASA

SP Chiz Escudero at House Speaker Romualdez, magpupulong sa susunod na linggo

Nakatakdang magpulong sina Senate President Francis ‘Chiz’ Escudero at House Speaker Martin Romualdez sa susunod na linggo. Ayon kay Escudero, nakatakdang nilang pag-usapan ang gagawing LEDAC (Legislative Executive Development Advisory Council ) meeting sa June 25. Pag-uusapan rin aniya ang mga panukalanag batas na bibigyang prayoridad ng Senado at Kamara. Giit ng Senate President, ayaw… Continue reading SP Chiz Escudero at House Speaker Romualdez, magpupulong sa susunod na linggo

Usapin ng POGO bilang isang national security threat, ipinanawagan ni Sen. Hontiveros na iakyat na kay PBBM

Nanawagan si Senadora Risa Hontiveros sa National Security Council na iakyat na kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang usapin ng POGO bilang isang national security threat sa Pilipinas. Ayon kay Hontiveros, isa ito sa mga naging paksa sa ginawa nilang executive session kaninang umaga patungkol sa isyu ng POGO operations sa bansa. Bilang chairperson… Continue reading Usapin ng POGO bilang isang national security threat, ipinanawagan ni Sen. Hontiveros na iakyat na kay PBBM

House panel chair, nababahala sa pagpapahintulot social media site na X ng sexually explicit content

Labis na ikinabahala ni House Committee on Welfare of Children Chair at BHW partylist Rep. Angelica Natasha Co ang desisyon ng pamunuan ng social networking site na X (dating Twitter) na pahintulutan ang mga sexually explicit content. Aniya, ang bagong polisiyang ito ng X ay isang banta sa mga kabataan dahil pinadadali nito ang paglaganap… Continue reading House panel chair, nababahala sa pagpapahintulot social media site na X ng sexually explicit content

Pagbuo ng centralized system para sa pag-uulat ng mga kaso ng online sexual abuse, ipinag-utos ni Pangulong Marcos

Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagbuo sa centralized system, para sa detecting at reporting ng mga kaso ng online sexual abuse sa mga kabataan. “Hindi lamang ang pulis ang gagalaw dito; ito ay inter-agency. Ito ay pinagsama-samang lakas ng gobyerno. Nandirito ang kapulisyahan, Department of Justice para sila ang magpo-prosecute, ang DSWD… Continue reading Pagbuo ng centralized system para sa pag-uulat ng mga kaso ng online sexual abuse, ipinag-utos ni Pangulong Marcos

DA at Rice Industry Stakeholders, nagpulong para hanapan ng paraan na maibaba ang presyo ng bigas

Magtutulungan na ang Department of Agriculture (DA) at mga stakeholder ng industriya ng bigas para maghanap ng paraan na maibaba ang presyo ng bigas. Ang inisyatibang ito ay alinsunod sa pagsisikap ng pamahalaan para maibaba ang presyo ng pangunahing pagkain sa bansa. Nagpatawag ng pulong ang DA sa mahigit isang dosenang stakeholder ng industriya ng… Continue reading DA at Rice Industry Stakeholders, nagpulong para hanapan ng paraan na maibaba ang presyo ng bigas