$1.1-B na foreign investments, naitala ng bansa para sa buwan ng Mayo — BSP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tinatayang umabot sa $1.1-billion ang naitalang foreign investment sa bansa para sa buwan ng Mayo ngayong taon.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), ito ay mataas ng $139 million o 15.2% kumpara sa naitalang $914 million noong Abril.

Sinasabing tumaas ito dahil sa mga PSE-listed security at mga peso government bond.

Mula naman ang mga mamumuhunan sa mga bansa ng United Kingdom, United States, Singapore, Luxembourg, at Norway.

Sa kabilang banda, bumaba naman ang gross outflows ng bansa noong nakaraang buwan kumpara noong Abril sa $1-billion.

Sa kabuuan, ayon sa datos ng BSP, nakapagtala ng paglago sa foreign investment ang bansa sa 24.6%. | ulat ni EJ Lazaro

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us