Iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, tulong-tulong sa pagtitiyak na naipaabot ang tulong sa mga apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Kanlaon

Muling nagpulong ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) upang patuloy na matugunan ang iba’t ibang pangangailangan ng mga apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Kanlaon sa isla ng Negros. Doon, iniulat ng Office of Civil Defense (OCD) na nakarating na sa Negros Occidental ang ipinadala nitong 7-man Rapid Deployment Team gayundin ang Water… Continue reading Iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, tulong-tulong sa pagtitiyak na naipaabot ang tulong sa mga apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Kanlaon

Pananakit ng grupong MANIBELA sa dzRH reporter, di katanggap-tanggap — PNP

Handang tumulong ang Philippine National Police (PNP) kay dzRH reporter Val Gonzales hinggil sa paghahain nito ng kaso laban sa grupong MANIBELA. Ito’y matapos kuyugin ng may siyam na lalaki si Gonzales habang gumaganap ng tungkuling magbalita sa kasagsagan ng kilos-protesta ng grupo sa harap ng tanggapan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB)… Continue reading Pananakit ng grupong MANIBELA sa dzRH reporter, di katanggap-tanggap — PNP

Presyo ng itlog sa Marikina Public Market, nakitaan ng pagtaas

Aabot sa ₱5 hanggang ₱20 ang itinaas sa presyo ng itlog sa Marikina Public Market. Ayon sa mga nagtitinda, ito ay dahil sa maraming maliliit na may-ari ng poultry sa lalawigan ng Batangas ang pansamantang tumigil sa pagde-deliver ng itlog bunsod ng matumal na suplay. Kung dati ay nakapagbebenta pa sila ng ₱4 kada piraso… Continue reading Presyo ng itlog sa Marikina Public Market, nakitaan ng pagtaas

Pagsasanay ng Philippine Army at US Army Pacific sa Nueva Ecija, matagumpay na nagtapos

Matagumpay na nagtapos kahapon ang sabayang pagsasanay sa pagitan ng Philippine Army at US Army Pacific (USARPAC) na Joint Pacific Multinational Readiness Center-Exportable (JPMRC-X), sa Fort Magsaysay, Palayan City, Nueva Ecija. Sa kanyang mensahe, nagpasalamat si Philippine Army Chief Lt. Gen. Roy Galido kay US Army 25th Infantry Division Commanding General Maj. Gen. Marcus Evans,… Continue reading Pagsasanay ng Philippine Army at US Army Pacific sa Nueva Ecija, matagumpay na nagtapos

Mga pulis na masasangkot sa krimen, gustong sibakin agad sa serbisyo ng PNP Chief

Dapat masibak agad sa serbisyo ang mga pulis na masasangkot sa krimen. Ayon kay Philippine National Police (PNP) Public Information Office Chief Police Col. Jean Fajardo, ito ang gustong mangyari ni PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil, sa halip na suspensyon lang o demosyon ang ipataw na parusa sa mga pulis na napatunayang nagkasala.… Continue reading Mga pulis na masasangkot sa krimen, gustong sibakin agad sa serbisyo ng PNP Chief

Senado, hihintayin munang maaresto ng mga awtoridad si Pastor Quiboloy bago imbitahan sa pagdinig ng Senado

Hihintayin muna ng Senado na maaresto ng tuluyan ng mga otoridad si Kingdom of Jesus Christ leader Pastor Apollo Quiboloy bago hilingin ang pagpadalo nito sa pagdinig ng Senado. Ayon kay Senate President Chiz Escudero, magpapatuloy pa rin ang pagdinig ng Senate Committee on Women tungkol sa mga isyu kay Quiboloy at naantala lang ito… Continue reading Senado, hihintayin munang maaresto ng mga awtoridad si Pastor Quiboloy bago imbitahan sa pagdinig ng Senado