DSWD, nakapaglaan na ng ₱7.2-M halaga ng tulong sa mga apektado ng pagputok ng Mt. Kanlaon

Patuloy pa rin ang paghahatid ng tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga lugar na naapektuhan ng pag-alburoto ng Bulkang Kanlaon. Batay sa pinakahuling tala ng DSWD, umakyat na sa ₱7.2-million ang halaga ng tulong na naipaabot nito sa mga apektadong pamilya. Kabilang sa nahatiran na nito ng family food packs… Continue reading DSWD, nakapaglaan na ng ₱7.2-M halaga ng tulong sa mga apektado ng pagputok ng Mt. Kanlaon

Pasay City, inaanyayahan ang publiko sa Independence Day Job Fair nito sa MOA

Patuloy ang paghimok ng pamahalaang lungsod ng Pasay sa mga residente nito na makalahok sa Independence Day Job Fair nito na may titulong “Trabaho para sa Pasayeño: 2024 Kalayaan Job Fair.” Ginaganap ito ngayong araw hanggang mamayang alas-3 ng hapon  sa Music Hall ng SM Mall of Asia, Lungsod ng Pasay. Mahigit 10,000 job vacancies… Continue reading Pasay City, inaanyayahan ang publiko sa Independence Day Job Fair nito sa MOA

Nadiskubreng istruktura sa Porac, Pampanga, isang scam hub at di POGO hub — DND Sec. Teodoro 

Itinuturing ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro bilang scam hub at hindi POGO hub ang nadiskubre na istruktura sa Porac, Pampanga.  Sa isang ambush interview, sinabi ni Teodoro na hindi isang outsourcing company ang naturang istruktura dahil sa mga ebidensya na nakuha sa lugar.  Iba daw ang layunin ng POGO kaysa sa… Continue reading Nadiskubreng istruktura sa Porac, Pampanga, isang scam hub at di POGO hub — DND Sec. Teodoro 

Chief Justice Alexander Gesmundo, nanguna sa flag raising ceremony sa San Juan City Hall

Ganap na alas-8 ng umaga nang magsimula ang programa sa San Juan City, kaalinsabay ng pagdiriwang ng ika-126 na Araw ng Kalayaan. Pinangunahan ni Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo ang aktibidad kasama si San Juan City Mayor Francis Zamora at Eastern Police District Director, Police Brig. Gen. Wilson Asueta. Binigyan muna ng Arrival Honors… Continue reading Chief Justice Alexander Gesmundo, nanguna sa flag raising ceremony sa San Juan City Hall

Mga estudyante sa PUP, magiging bahagi na rin ng ‘Tara, Basa!’ Tutoring Program ng DSWD

Pinalawak na rin ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga estudyante ng Polytechnic University of the Philippines (PUP)  ang programa nitong Tara, Basa! Tutoring Program. Kasunod ito ng nilagdaang memorandum of agreement (MOA) nina Undersecretary for Innovations Eduardo Punay at PUP President Manuel Muhi para sa implementasyon ng “Tara, Basa Tutoring Program”… Continue reading Mga estudyante sa PUP, magiging bahagi na rin ng ‘Tara, Basa!’ Tutoring Program ng DSWD

DILG Sec. Abalos, pinangunahan ang Independence Day celebration sa Monumento Circle sa Caloocan

Sinimulan sa pagtataas ng Watawat ng Pilipinas at sabayang pag-awit ng Lupang Hinirang ang selebrasyon sa ika-126 anibersaryo ng proklamasyon ng Kalayaan ng Pilipinas sa Caloocan City. Pinangunahan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. at Caloocan Mayor Along Malapitan ang wreath laying o pag-aalay ng bulaklak sa dambana… Continue reading DILG Sec. Abalos, pinangunahan ang Independence Day celebration sa Monumento Circle sa Caloocan

Speaker Romualdez, pangungunahan ang selebrasyon ng ika-126 na Araw ng Kalayaan sa Bulacan

Magsisilbing panauhing pandangal sa selebrasyon ng ika-126 na taong anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ngayong araw si Speaker Martin Romualdez sa Malolos, Bulacan. Pangungunahan ni Romualdez, kasama sina Bulacan Governor Daniel Fernando at iba pang mga lokal na opisyal ang flag raising ceremony, panunumpa sa watawat ng Pilipinas at pag aalay ng bulaklak sa monumento… Continue reading Speaker Romualdez, pangungunahan ang selebrasyon ng ika-126 na Araw ng Kalayaan sa Bulacan

DILG, nakikiisa sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan

Nagpaabot ng mensahe si Department of the Interior and Local Government (DILG Sec). Benjamin Abalos Jr. sa pagdiriwang ng ika-126 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ngayong araw. Ayon sa kalihim, mahalagang alalahanin at bigyang-pugay ngayong araw ang ating mga bayani dahil sa kanilang ipinamalas na hindi mapapantayang katapangan at pagmamahal sa Inang Bayan para makamit… Continue reading DILG, nakikiisa sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan

SC Chief Justice Gesmundo, pangungunahan ang pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa Pinaglabanan Shrine sa San Juan City

Pangungunahan ni Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo ang pagdiriwang ng ika-126 na anibersaryo ng Kasarinlan ng Pilipinas sa Pinaglabanan Shrine sa San Juan City ngayong araw. Ganap na alas-7:45 ng umaga, sisimulan ang programa ng pagtataas ng watawat at ang pag-awit ng Lupang Hinirang sa harap ng San Juan City Hall. Susundan ito ng… Continue reading SC Chief Justice Gesmundo, pangungunahan ang pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa Pinaglabanan Shrine sa San Juan City

AFP, handang umalalay sa PNP para sa pagtitiyak ng seguridad ngayong Araw ng Kalayaan

Handa ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na umalalay sa Philippine National Police (PNP) para tiyakin ang seguridad at kaligtasan ng mga Pilipino ngayong ika-126 na anibersaryo ng Kalayaan ng bansa. Ayon kay AFP Spokesperson, Col. Francel Margareth Padilla, bahagi ito ng kanilang committment na siguruhing ligtas at mapayapa ang taunang okasyon na ito.… Continue reading AFP, handang umalalay sa PNP para sa pagtitiyak ng seguridad ngayong Araw ng Kalayaan