Aabot sa 126 na persons deprived of liberty (PDLs) ang inaasahang makakalaya ngayong pagdiriwang ng ika-126 na annibersaryo ng Araw ng Kalayaan bukas June 12.
Ayon kay Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Pio Catapang Jr., tinaon nila ang naturang pagpapalaya sa mismong Araw ng Kalayaan upang mas maramdaman nila na muli na silang magiging bahagi ng lipunan at makapag-uumpisa muli ng kanilang buhay sa labas ng piitan.
Dagdag pa ni Catapang na sa naturang bilang 31 ang na-Released for Acquittal, isa naman ang nabigyan ng Conditional Pardon, 72 ang Expiration of Maximum Sentence, 6 ang nabigyan ng Probation, at 16 ang binigyan ng Parole.
Samantala, mula pa noong nagsimula ang Marcos administration, nakapagpalaya na ng nasa 14,324 na PDLs ang BuCor, at sa bilang na ito, 592 ay nakalaya nito lang buwan ng Mayo. | ulat ni AJ Ignacio