Nasa 127 pamilya o 619 na indibidwal sa probinsya ng Negros Occidental ang apektado ng pagputok ng Bulkang Kanlaon.
Sa monitoring ng Regional Disaster Risk Reduction Management Office 6, ang nasabing mga pamilya ay mula sa Bago City, La Castellana, La Carlota City, Moises Padilla at Pontevedra.
508 indibidwal ay nasa mga evacuation centers habang ang mahigit 100 ay nagsilikas papunta sa kanilang mga pamilya o kakilala.
Mahigit 48 libong halaga naman ng sleeping kits ang naipamigay na sa mga apektadong residente.
Sa ngayon, tuloy-tuloy ang koordinasyon ng RDRRMC-6 sa mga Local DRRMOs, member agencies ng RDRRMC at mga Local Government Units para sa mas mabilis na emergency response.
Inaabisuhan naman ng RDRRMC-6 ang lahat na maging alerto at makinig sa mga advisories o paalala ng mga otoridad para sa kanilang kaligtasan. | ulat ni Paul Tarrosa | RP1 Iloilo