Chacha, di bahagi sa mga napag-usapan nila ng House leaders ngayong araw – SP Chiz Escudero

Ibinahagi ni Senate President Chiz Escudero ang ilan sa mga napag-usapan nila ng mga lider ng Kamara sa naging pagpupulong nila kaninang umaga. Ayon kay Escudero, napag-usapan ang priority bills ng Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC) lalo’t magkakaroon sila ng LEDAC meeting sa June 25. Natalakay rin aniya ang magiging procedure nila sa LEDAC.… Continue reading Chacha, di bahagi sa mga napag-usapan nila ng House leaders ngayong araw – SP Chiz Escudero

Sen. Migz Zubiri, nagpasalamat sa pagsasabatas ng Negros Island Region law

Inaasahang makapagdudulot ng pag-unlad sa Negros Oriental, Negros Occidental at Siquijor ang bagong batas na magtatatag ng Negros Island Region. Ginawa ni Senador Juan Miguel Zubiri ang pahayag matapos pirmahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Negros Island Region (NIR) Act ngayong araw, na isa sa mga priority measure ng administrasyon. Bilang isang Negrense… Continue reading Sen. Migz Zubiri, nagpasalamat sa pagsasabatas ng Negros Island Region law

Kauna-unahang Halal Tourism and Trade Expo, ilulunsad bukas ng DOT

Nakatakdang ilunsad ng Department of Tourism (DOT) ang kauna-unahang Halal Tourism and Trade and Expo sa bansa. Kung saan inaasahang makikita sa naturang expo ang mga ipinagmamalaking pagkain at delicacies ng ating mga kapatid na Muslim na ipapakilala sa bansa sa international tourism market. Ayon sa DOT, gaganapin ang naturang Halal expo sa Gateway Mall… Continue reading Kauna-unahang Halal Tourism and Trade Expo, ilulunsad bukas ng DOT

Na-raid na POGO hub sa Pampanga, iinspeksyunin ng Senado

Iinspeksyunin rin ng Senado ang mga ilegal na POGO hub sa Porac, Pampanga. Ayon kay Senate Committee on Ways and Means Chairperson Senador Sherwin Gatchalian, hinihintay na lang nila na matapos ang pagbusisi ng Presidential Anti Organized Crime Commission (PAOCC) sa paghahalughog sa mga gusali ng Lucky South 99. Sampung araw ang binigay sa PAOCC… Continue reading Na-raid na POGO hub sa Pampanga, iinspeksyunin ng Senado

OWWA, agad nagbigay-tulong sa OFWs na naapektuhan ng nangyaring sunog sa bansang Kuwait

Agarang nagbigay ng tulong ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa tatlong kababayan nating overseas Filipino workers (OFW) na napabilang sa nasunog na isang residential area sa Kuwait. Sa tatlong OFW, dalawa sa mga ito ang nasa kritikal na kondisyon nang isinugod sa pagamutan, dulot ng malaking sunog na tumupok sa isang residential building sa… Continue reading OWWA, agad nagbigay-tulong sa OFWs na naapektuhan ng nangyaring sunog sa bansang Kuwait

Japan, nais magkaroon ng partnership sa Pilipinas mula sa sektor ng clean energy at trade investment – DTI

Hangad ng bansang Japan na magkaroon ng partnership sa Pilipinas mula sa sektor ng clean energy at trade investment ng dalawang bansa. Ayon kay Trade Secretary Alfredo Pascual, ito ay matapos ang naging pagpupulong nila Japan Ministry for Economy and Trade Saito Ken alinsunod sa naging trilateral agreement ng Pilipinas, Japan at Estados Unidos sa… Continue reading Japan, nais magkaroon ng partnership sa Pilipinas mula sa sektor ng clean energy at trade investment – DTI

NBI at PCG, lumagda sa kasunduan para paigtingin ang pagpapatupad sa maritime law enforcement

Lumagda sa Memorandum of Agreement ang National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine Coast Guard (PCG) ngayong araw. Layon ng naturang kasunduan na paigtingin ang kooperasyon at koordinasyon ng dalawang ahensya sa maritime law enforcement. Sa ilalim ng MOA, magtutulungan ang NBI at PCG sa pagiimbestiga at prosecution ng maritime-related crimes. Palalakasin din ng dalawang… Continue reading NBI at PCG, lumagda sa kasunduan para paigtingin ang pagpapatupad sa maritime law enforcement

Sen. Jinggoy Estrada, nanawagan sa PAGCOR na ipasara na ang mga iligal at unlicensed POGO sa bansa

Kinalampag ni Senate President Pro Tempore at Senate Committee on National Defense Chairperson Jinggoy Estrada ang PAGCOR na agad nang ipasara ang mga iligal at walang lisensyang mga POGO sa bansa. Ayon kay Estrada, maliban sa security concern sa mga POGO operations malapit sa ating military bases, may mga ulat din na nasa 250 na… Continue reading Sen. Jinggoy Estrada, nanawagan sa PAGCOR na ipasara na ang mga iligal at unlicensed POGO sa bansa

Escudero, sang-ayon sa pahayag ng DND chief na ipatigil na ang operasyon ng mga iligal na POGO sa bansa

Sang-ayon si Senate President Chiz Escudero sa naging pahayag ni Defense Secretary Gilberto Teodoro na dapat nang paalisin sa bansa ang mga POGO dahil banta ito sa pambansang seguridad. Naniniwala si Escudero na ang pinatutungkulan ni Teodoro sa pahayag na ito ay ang mga iligal ba POGO dahil sa pahayag aniya nito ay tinukoy nito… Continue reading Escudero, sang-ayon sa pahayag ng DND chief na ipatigil na ang operasyon ng mga iligal na POGO sa bansa

PBBM, ipinapanawagang maipasa ang priority bills ng administrasyon bago matapos ang 2024

Nanawagan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga mambabatas na bago matapos ang taong ito, maipasa na ang mga priority bills ng administrasyon. “To our fellow workers in both houses of Congress, I implore that before the year ends, that laws which are more inclusive, responsive, and people-centered to be passed. And we are… Continue reading PBBM, ipinapanawagang maipasa ang priority bills ng administrasyon bago matapos ang 2024