DSWD Sec. Gatchalian, nakipagpulong na sa META PH kaugnay ng mga kaso ng bentahan ng bata online

Nakipagpulong na si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian sa mga kinatawan ng META Philippines, mother company ng Facebook para resolbahin ang dumaraming kaso ng bentahan ng bata online. Tugon ito sa liham na ipinadala ng kalihim sa META Philippines dahil sa dami ng Facebook accounts na ginagamit sa online selling… Continue reading DSWD Sec. Gatchalian, nakipagpulong na sa META PH kaugnay ng mga kaso ng bentahan ng bata online

Bayanihan sa barangay ng MMDA, umarangkada sa Malabon

Dinala ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang programa nitong Bayanihan sa Barangay sa Brgy. Tañong sa lungsod ng Malabon. Sa inisyatibang ito, inilalapit ng MMDA sa mga barangay ang serbisyong pangkomunidad. Personal na tinutukan ni MMDA Acting Chair Atty. Romando Artes at Malabon Mayor Jeannie Sandoval ang pag-arangkada ng proyekto sa Tañong Integrated School.… Continue reading Bayanihan sa barangay ng MMDA, umarangkada sa Malabon

Sen. Legarda, nanawagan sa law enforcers ng bansa na pagbutihin ang paghahabol sa mga kriminal na nagtatago sa mga POGO

Muling iginiit ni Senador Loren Legarda na banta sa seguridad ng bansa ang naglipanang POGO. Kaugnay nito, hinikayat ng senador ang mga law enforcer ng bansa na pagbutihin pa ang paghabol sa mga sinasabing criminal syndicates na ginagamit ang mga POGO sa kanilang mga iligal na transaksyon. Ayon kay Legarda, dapat nang agad na ipasara… Continue reading Sen. Legarda, nanawagan sa law enforcers ng bansa na pagbutihin ang paghahabol sa mga kriminal na nagtatago sa mga POGO

Utay-utay na pagbabayad ng mga power utility sa biniling kuryente sa WESM, pinayagan ng ERC

Inaprubahan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang utay-utay na pagbabayad ng kuryente ng power utilities sa suplay ng kuryenteng kanilang binili sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM). Batay sa inilabas na desisyon ng ERC, maaaring bayaran ng power utilities ang kanilang biniling kuryente sa WESM sa loob ng apat na buwan dahil sa sunod-sunod na… Continue reading Utay-utay na pagbabayad ng mga power utility sa biniling kuryente sa WESM, pinayagan ng ERC

Presyo ng luya sa Pasig Mega Market, mas mababa kumpara sa ibang palengke

Bagaman nananatiling mahal, mas mababa pa rin ang presyo ng luya sa Pasig City Mega Market kumpara sa ibang mga palengke. Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas, nananatili sa ₱280 ang kada kilo ng luya na ₱100 mas mababa kumpara sa presyuhan ng luya sa ibang pamilihan noong isang linggo. Nabatid na pumalo pa sa ₱380… Continue reading Presyo ng luya sa Pasig Mega Market, mas mababa kumpara sa ibang palengke

NFA, naabot na ang 100% target sa palay procurement sa unang 6 na buwan ng taon

Nalagpasan na ng National Food Authority (NFA) ang target nitong palay procurement para sa unang anim na buwan ng 2024. Kinumpirma ito ni NFA Administrator Dr. Larry Lacson matapos umabot sa kabuuang 3,365,245 kaban o katumbas ng 168,262 metriko tonelada ang nabili ng ahensya hanggang nitong June 13. Katumbas na ito ng 100.06% ng palay… Continue reading NFA, naabot na ang 100% target sa palay procurement sa unang 6 na buwan ng taon

Dagdag na alokasyon ng MWSS sa Angat Dam, inaprubahan ng NWRB

Pinagbigyan ng National Water Resources Board (NWRB) ang hirit ng Manila Water Sewerage System (MWSS) na palawigin pa ang dagdag alokasyon ng tubig sa Angat Dam para sa mga customer ng Maynilad at Manila Water. Dahil dito, mula sa kasalukuyang 51 cubic meters per second ay itataas sa 52cms ang alokasyon ng tubig ng Metro… Continue reading Dagdag na alokasyon ng MWSS sa Angat Dam, inaprubahan ng NWRB

Farmgate price ng palay, bahagyang tumaas noong Mayo — PSA

Tumaas ang average farmgate price ng palay sa buwan ng Mayo, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA). Sa tala nito, tumaas sa ₱24.81 ang kada kilo ng palay. Ayon sa PSA, katumbas ito ng 1.2% na buwanang pagtaas at 30.2% kumpara sa naitalang farmgate price noong nakaraang taon na aabot sa ₱19.06 kada kilo. Sa… Continue reading Farmgate price ng palay, bahagyang tumaas noong Mayo — PSA

Agarang tulong sa mga OFW na naapektuhan ng sunog sa Kuwait at sa kanilang pamilya, panawagan ng isang mambabatas

Nanawagan si OFW Party-list Representative Marissa Magsino sa pamahalaan para sa agarang tulong sa mga OFW na naapektuhan ng sunog sa isang ‘heavily populated residential building’ sa Mangaf, Kuwait. Ani Magsino, nakikidalamhati siya sa pagkamatay ng tatlong kababayan dahil sa naturang sunog. Mahalaga aniya ngayon na maramdaman agad ng mga OFW at kanilang pamilya ang… Continue reading Agarang tulong sa mga OFW na naapektuhan ng sunog sa Kuwait at sa kanilang pamilya, panawagan ng isang mambabatas

DOST, naglunsad ng ‘floating waste collector’

Inilunsad ng Department of Science and Technology (DOST) at Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang isang makabagong floating solid waste collector system kahapon (June13) sa Pasig River Esplanade. Ang naturang solid waste collector system ay isang pinagsamang inisyatiba na pinondohan ng DENR at binuo ng DOST. Idinisenyo ito upang alisin at kolektahin ang… Continue reading DOST, naglunsad ng ‘floating waste collector’