Ibinubugang asupre ng Bulkang Kanlaon, nabawasan — PHIVOLCS

Bumaba ang naitalang gas output o ang ibinubugang asupre (sulfur dioxide) sa Mt. Kanlaon sa nakalipas na 24-oras. Batay sa monitoring ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) bumaba sa 1,807 tonelada ang sulfur dioxide (SO2) gas na ibinuga ng bulkan mula sa naitalang 4,395 na tonelada noong Sabado. Gayunman, nagpapatuloy pa rin ang… Continue reading Ibinubugang asupre ng Bulkang Kanlaon, nabawasan — PHIVOLCS

Humigit kumulang 20 motorista, sinita ng SAICT dahil sa pagdaan sa EDSA busway sa Ortigas

Marami pa ring pasaway na motorista ang pinipiling dumaan sa EDSA Busway sa kabila ng holiday at maluwag naman ang EDSA. Ito’y makaraang sitahin ng mga operatiba ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation (SAICT) ang hindi bababa sa 20 motorista sa ikinasa nilang operasyon sa bahagi ng EDSA-Ortigas. Karamihan sa mga nasitang motorista… Continue reading Humigit kumulang 20 motorista, sinita ng SAICT dahil sa pagdaan sa EDSA busway sa Ortigas

5-taong promotion ban sa mga pulis na masasangkot sa katiwalian, pinag-aaralan ng PNP

Pinag-aaralan na ng Philippine National Police (PNP) ang pagpapatupad ng ban sa promosyon ng mga pulis na masasangkot sa katiwalian sa loob ng limang taon. Ayon kay PNP Public Information Office Chief, Police Col. Jean Fajardo, ito’y kung ang tiwaling pulis ay minsan nang na-demote o di kaya’y nasuspinde na dahil sa kinasasangkutan nilang kaso.… Continue reading 5-taong promotion ban sa mga pulis na masasangkot sa katiwalian, pinag-aaralan ng PNP

Mas mataas na generation charge, asahan sa susunod na 3 buwan MERALCO

Ibinabala ng Manila Electric Company (MERALCO) ang posibleng pagpapataw ng mas mataas na generation charge sa susunod na tatlong buwan o mula Hulyo hanggang Setyembre. Ito’y ayon sa MERALCO, makaraang aprubahan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang utay-utay na pagbabayad ng mga Power Utilities gaya ng MERALCO sa kuryenteng kanilang binili sa Wholesale Electricity Spot… Continue reading Mas mataas na generation charge, asahan sa susunod na 3 buwan MERALCO

Batas na tutupad sa bisyon ni PBBM para sa malawakang internet links sa GIDAs suportado ng DICT

Tiniyak ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na mahigpit itong makikipagtulungan sa Kongreso para sa reclassification ng internet links bilang  ‘public service’ na hindi na mangangailangan ng rental payments para sa broadband connection. Ang tinutukoy ni DICT Assistant Secretary Renato “Aboy” Paraiso ay ang mga bills na inihain sa House of Representatives na… Continue reading Batas na tutupad sa bisyon ni PBBM para sa malawakang internet links sa GIDAs suportado ng DICT

QC LGU, naglabas ng traffic advisory para sa gaganaping Pride PH Festival March sa June 22

Nag-abiso na ngayon ang Quezon City Local Government sa mga motorista sa posibleng pagbagal ng daloy ng trapiko sa kahabaan ng Elliptical Road at sa iba pang kalsada sa QC pagsapit ng June 22. Ito ay dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga makikilahok sa Pride PH Festival March at Float Parade na gaganapin sa Quezon… Continue reading QC LGU, naglabas ng traffic advisory para sa gaganaping Pride PH Festival March sa June 22

Lebel ng tubig sa Angat Dam, bahagya pang nabawasan

Patuloy pa ring natatapyasan ang lebel ng tubig sa Angat Dam. Sa update ng PAGASA Hydromet Division, kaninang alas-8 ng umaga, nabawasan pa ng 15 sentimetro ang antas ng tubig sa Angat Dam kaya nasa lebel na ito na 177. 24 meters. Mula ito sa 177.39 meters na naitala noong nakaraang araw. Kapos pa rin… Continue reading Lebel ng tubig sa Angat Dam, bahagya pang nabawasan

4 na web-based system ng Maritime Industry Authority, nakaranas ng cyber attack

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Maritime Industry Authority (MARINA) matapos makaranas ng cyber attack kahapon. Sa pahayag ng MARINA, apat na web-based system ang nakompromiso sa nangyaring pag-atake ng mga hindi pa kilalang grupo. Dahil dito, ipinadala na ng MARINA ang mga kailangang tauhan sa Central Office para agad mapangalagaan ang integridad ng sistema. Humingi… Continue reading 4 na web-based system ng Maritime Industry Authority, nakaranas ng cyber attack

DSWD, nagpadala ng food packs sa mga mangingisda sa WPS

Nagpaabot ng tulong ang Department of Social Welfare and Development’s (DSWD) sa mga mangingisda sa West Philippine Sea (WPS). Pinangunahan ng DSWD Field Office sa Central Luzon ang pagpapadala ng family food packs katuwang ang AFP sa Zambales Sports Complex. Aabot sa humigit kumulang 100 kahon ng FFPs ang ipinadala ng DSWD na ilalaan sa… Continue reading DSWD, nagpadala ng food packs sa mga mangingisda sa WPS

Mga ahente at dealer ng sasakyang matagal mag-isyu ng plaka at OR/CR, target na ng LTO

Hahabulin at pananagutin na ng Land Transportation Office (LTO) ang mga ahente at dealers ng mga sasakyan at motor na matagal mag-isyu ng plaka at OR/CR. Ayon kay LTO Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor Mendoza II, nagsimula nang umaksyon ang ayensya laban sa mga motor vehicle agents na patuloy na lumalabag sa guidelines ng LTO.… Continue reading Mga ahente at dealer ng sasakyang matagal mag-isyu ng plaka at OR/CR, target na ng LTO