DSWD, tumanggap ng water filtration kits na ilalaan sa evacuation centers

Tumanggap ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng donasyong mga filtration kits mula sa isang non-profit organization na Waves For Water (W4W). Ayon sa DSWD, personal na tinanggap ni DSWD Secretary Rex Gatchalian ang mga donasyon na kinabibilangan ng 10 portable water filtration kits. May kakayahan ang bawat filtration kit na tanggalin ang… Continue reading DSWD, tumanggap ng water filtration kits na ilalaan sa evacuation centers

Presyo ng manok, galunggong, luya, at petchay, may paggalaw sa unang bahagi ng Hunyo — PSA

Nagkaroon ng paggalaw sa presyo ng ilang pangunahing bilihin sa bansa partikular ng agricultural commodities sa unang bahagi ng Hunyo batay yan sa pinakahuling monitoring ng Philippine Statistics Authority (PSA). Ayon sa PSA, kabilang sa tumaas ang manok, galunggong, petchay at luya. Nasa higit piso ang itinaas sa presyo ng manok na nasa ₱195.76 ang… Continue reading Presyo ng manok, galunggong, luya, at petchay, may paggalaw sa unang bahagi ng Hunyo — PSA

Senado, magkakaroon na rin ng sesyon tuwing Huwebes

Magkakaroon na rin ng sesyon ang Senado tuwing Huwebes sa halip na hanggang Miyerkules lang. Kinumpirma ni Senate Majority Leader Francis Tolentino na napagkasunduan na ito ng ilang senador sa Majority Bloc. Ayon kay Tolentino, itatakda mula alas-10 ng umaga hanggang ala- una ng hapon ang sesyon tuwing Huwebes. Ilalaan lang aniya nila ang Thursday… Continue reading Senado, magkakaroon na rin ng sesyon tuwing Huwebes

Dokumentong maaaring magpatunay ng totoong pagkatao ni Bamban Mayor Alice Guo, isinapubliko ni Sen. Gatchalian

Ibinahagi ni Senador Sherwin Gatchalian ang isang dokumento na maaaring tumukoy ng totoong pagkakakilanlan ni Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo. Base sa record mula sa Board of Investments tungkol sa application ng pamilya Guo para sa Special Investors Resident Visa at maging ng Bureau of Immigration, sinabi ni Gatchalian na posibleng Guo Hua Ping ang… Continue reading Dokumentong maaaring magpatunay ng totoong pagkatao ni Bamban Mayor Alice Guo, isinapubliko ni Sen. Gatchalian

Kauna-unahan at pinakamalaking offshore wind farm, malaking tulong sa pagbawas ng carbon footprint ng Pilipinas

Ipinagmalaki ngayon ni Camarines Sur Representative LRay Villafuerte ang inparubahang 16 na pasilidad para sa offshore wind farm sa kanilang lalawigan. Aniya ang ₱163-billion Danish-funded na wind farm na ito ang kauna-unahan at pinakamalaki sa Pilipinas. Naniniwala si Villafuerte na ang wind farm na itatayo sa tulong ng Danish infrastructure investment firm na Copenhagen Infrastructure… Continue reading Kauna-unahan at pinakamalaking offshore wind farm, malaking tulong sa pagbawas ng carbon footprint ng Pilipinas

2 protection agent na naaresto dahil sa di awtorisadong pagbibigay serbisyo at proteksyon sa isang Filipino-Chinese businessman, inireklamo

Pinaigting pa ng Philippine National Police – Civil Security Group (PNP-CSG) ang kanilang kampaniya laban sa illegal protection activities sa bansa. Ito’y matapos ipagharap ng reklamo sa Taguig City Prosecutor’s Office ang dalawang protection agent na una nang naaresto dahil sa paglabag nila sa Republic Act 11917 ang “Private Security Service Industry Act.” Ayon sa… Continue reading 2 protection agent na naaresto dahil sa di awtorisadong pagbibigay serbisyo at proteksyon sa isang Filipino-Chinese businessman, inireklamo

DA, isinasapinal na ang guidelines para sa mas malawak na bentahan ng ₱29 kada kilong bigas

Binabalangkas na ng Department of Agriculture (DA) ang guidelines at mechanics para magiging malawakang bentahan ng ₱29 na kada kilong bentahan ng bigas sa Kadiwa Stores. Ito ay mula sa inaasahang 100,000 metriko tonelada ng bigas na aanihin sa ilalim ng contract farming program ng National Irrigation Administration (NIA). Ayon kay DA Spokesperson Assistant Secretary… Continue reading DA, isinasapinal na ang guidelines para sa mas malawak na bentahan ng ₱29 kada kilong bigas

NFA, kinukonsiderang alisin na ang ‘rebagging policy’ sa mga binibiling palay

Pinag-aaralan na National Food Authority (NFA) na alisin na ang rebagging policy o huwag nang balutin ng NFA sacks ang mga nabibiling palay sa mga magsasaka. Ayon kay NFA Administrator Larry Lacson, malaki ang matitipid ng ahensya sa sako at handling costs kung hindi na nito ire-rebag pa ang mga nabibiling palay. Katunayan, sa tantya… Continue reading NFA, kinukonsiderang alisin na ang ‘rebagging policy’ sa mga binibiling palay

Presyo ng ilang gulay sa Kalentong Public Market sa Mandaluyong City, nakitaan ng paggalaw

Nagkaroon ng paggalaw ang presyuhan ng ilang gulay sa Kalentong Public Market sa Mandaluyong City partikular na sa kamatis, okra, at bawang. Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas, nakitaan ng pagtaas sa presyo ng kamatis na nasa ₱120 ngayon mula sa dating ₱100 ang kada kilo. Habang bumaba naman ang presyo ng okra sa ₱100 mula… Continue reading Presyo ng ilang gulay sa Kalentong Public Market sa Mandaluyong City, nakitaan ng paggalaw

Japan, nais pang mapalalim ang trilateral cooperation sa pagitan ng Pilipinas at U.S.

Welcome para kay Speaker Martin Romualdez ang pahayag ng kaniyang Japan counterpart na si Speaker Fukushiro Nukaga sa pagnanais na palakasin pa ang defense at security cooperation hindi lang sa pagitan ng Pilipinas, kundi kasama rin ang Estados Unidos. Sa naging pulong ng dalawang opisyal, sinabi ni Nukaga na magkapareho ang values ng Japan at… Continue reading Japan, nais pang mapalalim ang trilateral cooperation sa pagitan ng Pilipinas at U.S.