Muling isinagawa ang Lab for All program ng Pamahalaan sa Mandaluyong College of Science and Technology (MCST) sa Welfareville compound sa Brgy. Addition Hills.
Pinangunahan ni First Lady Louise “Liza” Araneta – Marcos ang isinagawang programa kasama sina Mandaluyong City Mayor Ben Abalos Sr, Vice Mayor Menchie Abalos at DILG Sec. Benhur Abalos Jr.
Ang Lab for All program ay inisyatiba ng Unang Ginang na layong magbigay ng libreng serbisyong medikal at gamot para sa mga Pilipino.
Kabilang sa mga laboratory services na alok ng Lab for All ay ang libreng x-ray, konsultasyon sa mga espesyalista at gamot.
Maliban sa serbisyong medikal, may inihanda rin na iba pang mga serbisyo ang Mandaluyong LGU na maaari nilang i-alok sa kani-kanilang nasasakupan. | ulat ni Jaymark Dagala