Puspusan nang sinisikap ng Department of Migrant Workers (DMW) ang pagpapalaya sa lalong madaling panahon sa 2 Overseas Filipino Worker (OFW) na kasalukuyang nasa death row sa Brunei.
Ayon kay DMW Sec Hans Leo Cacdac, sa ngayon aniya ay nasa maayos na kalagayan ang 2 OFW.
Isa sa mga ito ay si Edgar Puzon na na-convict sa kasong murder o pagpatay sa kapwa OFW nito abroad noong 2005 subalit nahatulan ng habambuhay na pagkakakuong.
Habang ang isa namang OFW na nasa death row ay si Cyrile Tagapan na isinisilbi ang kaniyang sentensiya mula pa noong 2016 para sa kasong pagpatay sa isang Bruneian national at para arson at pagnanakaw.
Matatandang binisita ng kalihim ang 2 OFWs sa kanilang prison facility kung saan ipaanbot ng kalihim ang mensahe ng Pangulo na suporta at patuloy na dasal para sa mga ito.
Maliban sa clemency, tinatrabaho na rin ng DMW ang karagdagang compassionate visits ng pamilya at kamag-anak ng 2 manggagawang Pilipino na sasagutin naman ng ahensiya at attached agency nito na Overseas Workers Welfare Administration. | ulat ni Jaymark Dagala