Pulis na sangkot sa road rage sa Rizal at nag-viral sa social media dahil sa paglalabas ng baril, isinailalim sa ‘restrictive custody’

Kinumpirma ng Rizal Provincial Police Office na isinailalim na nila sa “restrictive custody” ang isang patrolman na nag-viral sa social media matapos masangkot sa road-rage o away trapiko sa Antipolo City. Ayon kay Rizal Provincial Police Director, PCol. Felipe Maraggun, naka-assign sa Morong Municipal Police Station ang hindi pinangalanang pulis na nag-viral pa sa social… Continue reading Pulis na sangkot sa road rage sa Rizal at nag-viral sa social media dahil sa paglalabas ng baril, isinailalim sa ‘restrictive custody’

Chinese Coast Guard, mga pirata — Gen. Brawner

Mga pirata lang ang sumasampa sa mga barko para magnakaw at manira ng mga kagamitan at ari-arian. Ito ang sinabi ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. sa kanyang pagbisita kahapon sa AFP Western Command sa Palawan, kaugnay ng pag-atake noong June 17 ng Chinese Coast Guard sa… Continue reading Chinese Coast Guard, mga pirata — Gen. Brawner

Mines and Geosciences Bureau ng DENR, pinaghahanda na rin sa posibleng epekto ng La Niña

Inatasan na ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang Mines and Geosciences Bureau (MGB) at field offices nito para paghandaan na ang inaasahang impact ng La Niña. Sa inilabas na memo ng DENR, pinakikilos na ang MGB regional directors, partikular ang kanilang mga Operation Centers (OPCENs) para mailatag ang mga mitigation measures sa… Continue reading Mines and Geosciences Bureau ng DENR, pinaghahanda na rin sa posibleng epekto ng La Niña

Presyo ng bigas sa Pasig City Mega Market, bumaba pa sa ₱46 hanggang ₱47 kada kilo

Bumaba pa sa ₱46 hanggang ₱47 ang kada kilo ng bigas na mabibili sa Pasig City Mega Market. Ayon sa mga rice retailer, tuloy-tuloy kasi ang ibinabagsak sa kanilang suplay dahilan upang bumaba pa ang presyo nito. Bagaman, durog-durog ay malinis gayundin ay disente pa rin ang mga ibinebentang murang bigas at maganda rin itong… Continue reading Presyo ng bigas sa Pasig City Mega Market, bumaba pa sa ₱46 hanggang ₱47 kada kilo

Pilipinas, kailangang kunin ang simpatya at suporta ng iba pang mga bansang kasapi sa UN sa patuloy na pambu-bully ng China

Mahalaga na makakuha na ngayon ng suporta ang Pilipinas mula sa mga miyembro ng United Nations upang masolusyunan ang agression ng China laban sa Pilipinas sa loob mismo ng ating teritoryo. Naniniwala si House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo na dahil miyembro rin ng UN ang China ay magiging numbers game ito. Kaya ngayon pa… Continue reading Pilipinas, kailangang kunin ang simpatya at suporta ng iba pang mga bansang kasapi sa UN sa patuloy na pambu-bully ng China

Caloocan Mayor Along Malapitan, tiniyak ang suporta sa bagong hepe ng Caloocan Police Station

Pormal nang umupo si Police Col. Paul Jady Dadang Doles bilang bagong hepe ng Caloocan City Police Station (CCPS). Pinangunahan ni Caloocan City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan ang isinagawang turn-over ceremony mula sa outgoing na hepeng si Police Col. Ruben Lacuesta sa bagong liderato ng hanay ng Kapulisan sa lungsod. Dito, pinasalamatan ni Mayor… Continue reading Caloocan Mayor Along Malapitan, tiniyak ang suporta sa bagong hepe ng Caloocan Police Station

Tapyas-taripa sa imported na bigas, tatalakayin pa ng Gabinete — DA Sec. Tiu Laurel

Kinumpirma ni Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na pagpupulungan pang muli ng Gabinete ang panukalang pagbabawas ng taripa sa imported na bigas. Ito’y matapos ipahayag ng agri stakeholders ang kanilang agam-agam hinggil sa posibleng epekto ng mas malaking tapyas sa taripa. Ayon sa kalihim, kinikilala nito ang mga pangamba ng industriya… Continue reading Tapyas-taripa sa imported na bigas, tatalakayin pa ng Gabinete — DA Sec. Tiu Laurel

Pagtaas ng lebel ng tubig sa Angat Dam, posibleng sa Hulyo pa magsimula — PAGASA

Hindi pa inaasahan ng PAGASA na makatutulong ang mga pag-ulang nararanasan ngayon para umangat at bumalik sa normal ang lebel ng tubig sa Angat Dam. Ayon kay PAGASA Hydromet Chief Engr. Roy Badilla, kalat-kalat pa ngayon ang mga naoobserbahang pag-ulan at hindi pa mataas ang volume ng rainfall na dala ng thunderstorms. Sa kabila nito,… Continue reading Pagtaas ng lebel ng tubig sa Angat Dam, posibleng sa Hulyo pa magsimula — PAGASA

Bajo de Masinloc, bantay-sarado na ng mga barkong pandigma ng China kasunod ng ipinatupad na “Anti-Tresspasing rule” — AFP

Iniulat ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na tatlong barko ng People’s Liberation Army Navy (PLAN) ang ipinuwesto ng China sa Scarborough Shoal o Bajo de Masinloc na sakop ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas sa West Philippine Sea. Batay ito sa datos ng Philippine Navy mula June 11 hanggang June 17, panahon… Continue reading Bajo de Masinloc, bantay-sarado na ng mga barkong pandigma ng China kasunod ng ipinatupad na “Anti-Tresspasing rule” — AFP

Mga sundalong kasama sa nakalipas na Rotation and Re-supply Mission sa Ayungin Shoal, nananatiling mataas ang morale sa kabila ng ginawang pag-atake ng China

Nananatiling mataas ang morale ng mga sundalong kabilang sa pinakahuling Rotation and Re-supply Mission ng militar sa Ayungin Shoal na bahagi ng West Philippine Sea nitong Lunes. Ito ang ipinagmalaki ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff, General Romeo Brawner Jr. sa kabila ng pag-atake ng mga tauhan ng China Coast Guard… Continue reading Mga sundalong kasama sa nakalipas na Rotation and Re-supply Mission sa Ayungin Shoal, nananatiling mataas ang morale sa kabila ng ginawang pag-atake ng China