2025, tinawag ng COMELEC bilang Super Election

Facebook
Twitter
LinkedIn

Idineklara ng Commission on Elections ( COMELEC) bilang Super Election ang taong 2025.

Ito ay dahil tatlong halalan ang magaganap sa loob ng isang taon.

Una dito ay ang National and Local Elections, Bangsamoro Election, at ang Barangay Election.

Ang pahayag na ito ay ginawa ng COMELEC kasabay ng Multi Party Democracy Summit ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Sinabi ni Chairperson George Erwin Garcia, kauna-unahang mangyayari ito sa kasaysayan ng Pilipinas na magkaroon ng tatlong halalan sa loob ng isang taon.

Kaya naman, todong paghahanda ang ginagawa ng COMELEC upang masiguro na magkakaroon ng isang maayos, payapa, at kapani-paniwalang halalan.

Tiniyak din ng COMELEC na magiging maayos ang pagsasagawa ng eleksyon kahit pa tatlong halalan ang gagawin.

Ngayon pa lamang ay sinisiguro na ng COMELEC na walang mangyayari na anumang dayaan sa halalan dahil kontrolado nila ang gagamitin na teknolohiya. | ulat ni Mike Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us