Bawat isa sa 21 Filipino seafarers na nakaligtas mula sa MV Tutor na inatake ng Houthi rebels ang pinagkalooban nina Speaker Martin Romualdez at asawa na si Tingog Party-list Rep. Yedda Romualdez ng tig- P150,000 na tulong pinansyal.
Ang kabuuang P3.15 million na cash assistance ay mula sa personal calamity fund ng mag-asawang Romualdez.
Si House Committee on Overseas Workers Affairs Chair Jude Acide ang nag-abot ng tulong sa mga nakaligtas na tripulante kasabay ng kanilang pagdating sa bansa.
“As instructed by President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., Speaker Romualdez and his wife, Rep. Yedda Romualdez is working hard to provide relief and support to our seafarers,” ani Acidre.
Labis naman ang pasalamat ni Speaker Romualdez na ligtas na nakauwi ang ating mga kababayan bunsod na rin ng maagap na pagtugon ng ating pamahalaan.
“We are deeply relieved that our brave seafarers are coming home safe. This assistance is a token of our gratitude for their courage and resilience during this harrowing ordeal,” sabi ni Romualdez.
Kinilala din ni Rep. Yedda ang hindi matatawarang ambag sa bansa ng ating seafarers.
“Our seafarers are our modern-day heroes, and it is our duty to ensure their welfare. This cash assistance from our personal funds aims to help them and their families as they transition back home. We stand by them and are committed to providing the necessary support.” sabi ni Rep. Yedda.
Kasabay nito ay inanunsyo rin ni House Deputy Secretary General Sofonias “Ponyong” Gabonada, Jr. na nakikipag-ugnayan na ang Office of the Speaker sa iba pang ahensya ng pamahalaan para makapagpaabot ng iba pang tulong sa pamilya ng mga nailigtas na seafarers.
Kabilang dito ang Sustainable Livelihood Program (SLP) ng DSWD o DOLE Integrated Livelihood and Emergency Employment Program (DILEEP).
Kasama rin sa tinitingnang ipagkaloob ang P10,000 financial assistance sa kwalipikadong miyembro ng pamilya sa ilalim ng AKAP program, at 20-day emergency employment sa ilalim ng TUPAD.
Maaari rin mabigyan ang kwalipikadong miyembro ng pamilya ng educational assistance sa pamamagitan naman ng Tulong Dunong Scholarship program ng CHED. | ulat ni Kathleen Forbes