Matagumpay nang nailigtas ang 21 sa 22 Pilipinong seafarer ng bulk carrier na MV Tutor na inatake ng Houthi rebels sa Gulf of Aden nitong Hunyo 12.
Sa media forum, kinumpirma ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac ang ginawang rescue operations kagabi at nasa ligtas at maayos na kundisyon na ang mga seafarer.
Hanggang ngayon, patuloy pang hinahanap ang 1 pang Pinoy na may ranggong 2nd engineer na idineklarang missing nang maganap ang pag-atake.
Sabi pa ni Cacdac, nakausap na nila ang pamilya ng nawawalang seafarer at tiniyak na ginagawa na ng pamahalaan ang lahat para ito ay mahanap.
Ang mga nailigtas na mga Pinoy seafarer ay dadaan sa medical at kapag naging “cleared for travel” na sila ay agad nang iuuwi sa Pilipinas. | ulat ni Rey Ferrer