Party-list solon, suportado ang pagkakasama ng mga buntis at lactating mom sa 4Ps

Suportado ni 4Ps Party-list Representative JC Abalos ang hakbang ng pamahalaan na palawakin ang makaka benepisyo sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) kung saan isasama na ang mga buntis at nagpapasuso. Ayon kay Abalos, mahalaga na maibigay ang tamang nutrisyon sa bata habang nasa sinapupunan pa lang Mapapalakas din aniya nito ang First 1,000 days… Continue reading Party-list solon, suportado ang pagkakasama ng mga buntis at lactating mom sa 4Ps

DA, bumuo ng fact-finding committee para imbestigahan ang pagpasok sa bansa ng mga kambing na nagpositibo sa Q-fever

Bumuo na ng fact-finding committee ang Department of Agriculture (DA) para sa mas malalimang imbestigasyon kaugnay sa inangkat na mga kambing mula sa US na nagpositibo sa Q-Fever. Ang Q-Fever ay isang zoonotic disease na mula sa bacteria na Coxiella Burnetti na nakakahawa sa tao at ibang hayop. Sa pulong balitaan kaninang hapon sa Quezon… Continue reading DA, bumuo ng fact-finding committee para imbestigahan ang pagpasok sa bansa ng mga kambing na nagpositibo sa Q-fever

JICA, muling iginiit ang kanilang suporta upang makamit ang maritime security

Muling iginiit ng Japan International Cooperation Agency (JICA) ang kanilang suporta sa Pilipinas upang matiyak ang maritime security sa rehiyon. Ito ang inilalahad ng ilang senior officials ng JICA sa pulong nila ni Finance Secretary Ralph Recto na nasa Tokyo para sa Philippine Economic Briefing. Ayon sa JICA, suportado nila ang Philippine Coast Guard (PCG)… Continue reading JICA, muling iginiit ang kanilang suporta upang makamit ang maritime security

DICT, pinuri ang NBI sa pag-aresto sa 3 suspek na nasa likod ng hacking ng websites ng gobyerno at pribadong sektor

Pinuri ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang National Bureau of Investigation (NBI) sa matagumpay na pag-aresto sa tatlong suspek na sangkot sa pag-hack ng mga website ng gobyerno at pribadong sektor, bangko, at Facebook accounts. Sa isang pahayag, sinabi ng DICT na handa silang tumulong sa NBI bilang technical consultant at magbigay… Continue reading DICT, pinuri ang NBI sa pag-aresto sa 3 suspek na nasa likod ng hacking ng websites ng gobyerno at pribadong sektor

Mahigit 6,000 sasakyan nahuli sa pinaigting na “No Registration, No Travel” policy ng LTO ngayong Hunyo

Mahigit 6,000 sasakyan ang nahuli sa buong bansa sa unang 15 araw ng Hunyo dahil sa patuloy na pagpapatupad ng Land Transportation Office (LTO) ng “No Registration, No Travel” policy. Ayon kay LTO Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II, ang operasyong ito ay patuloy na paalala sa mga may-ari ng sasakyan na kailangan… Continue reading Mahigit 6,000 sasakyan nahuli sa pinaigting na “No Registration, No Travel” policy ng LTO ngayong Hunyo

Package rate para sa hemodialysis, itinaas na sa P4,000 kada session

hemodialysis in people on the equipment

Inaprubahan na ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang pagtataas ng package rate sa Hemodialysis. Ito ang ibinalita ni Secretary of Health at PhilHealth Board Chairperson Teodoro Herbosa, matapos itong ipag-utos ni President Ferdinand R. Marcos Jr., at mungkahi na rin ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez. Ayon kay Herbosa, inaprubahan ng PhilHealth Board ang… Continue reading Package rate para sa hemodialysis, itinaas na sa P4,000 kada session

Paglulunsad ng BRP Miguel Malvar sa South Korea, pinangunahan ni Sec. Teodoro

Pinangunahan ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro ang “launching ceremony” para sa BRP Miguel Malvar (FF-06) sa Ulsan, South Korea noong Martes. Ang BRP Miguel Malvar ay isa sa dalawang brand-new guided missile corvette na kinontrata ng DND sa Hyundai Heavy Industries (HHI) ng S. Korea sa kabuuang halagang P28 bilyong, noong… Continue reading Paglulunsad ng BRP Miguel Malvar sa South Korea, pinangunahan ni Sec. Teodoro

Pambu-bully ng China sa Pilipinas sa West hilippine Sea, sumusobra na – Sen. Joel Villanueva

Tinawag ni Senador Joel Villanueva na sobrang kabastusan na ang sunod-sunod na pambu-bully ng China sa mga Pilipino sa loob mismo ng sariling teritoryo ng Pilipinas. Giit ni Villanueva, klaro naman na sa Pilipinas ang Ayungin Shoal at kitang-kita na kung gaano ka-walang respeto ang China sa loob ng ating teritoryo. Ipinahayag rin ng senador,… Continue reading Pambu-bully ng China sa Pilipinas sa West hilippine Sea, sumusobra na – Sen. Joel Villanueva

Mayor Alice Guo, nagsalita na hinggil sa mga paratang sa kanya

Nanindigan si Bamban Tarlac Mayor Alice Guo na wala itong koneksyon sa anumang Philippine Offshore Gaming Operator(POGO) operations sa bansa kaya maling tawagin itong “conspirator” nang walang matibay na ebidensya. Ang pahayag ay ginawa ni Mayor Guo bilang reaksyon sa kasong Anti-Trafficking in Persons na isinampa laban sa kanya sa Department of Justice(DOJ) ng  Philippine… Continue reading Mayor Alice Guo, nagsalita na hinggil sa mga paratang sa kanya

Mga PDL na kinukonsiderang ‘extremist’, tututukan ng BuCor

Maglalagay ang Bureau of Corrections ng Preventing and Countering Violent Extremism (PCVE) Office sa New Bilibid Prisons. Ito ang layon ng memorandum of agreement na pinirmahan ng BuCor at ng Reshape Justice Group ng Australia kung saan magbibigay ito ng teknikal at iba pang kakailanganing tulong para sa nasabing opisina. Ang naturang programa ay gagawin… Continue reading Mga PDL na kinukonsiderang ‘extremist’, tututukan ng BuCor