2025 mid-term elections, pinaghahandaan na ng PNP

4 na buwan bago magsimula ang paghahain ng kandidatura para sa 2025 mid-term elections, nagsimula nang maghanda para rito ang Philippine National Police (PNP). Layon nito ayon sa PNP na malansag agad ang mga Private Armed Group (PAG), sindikato ng iligal na droga at mapigilan din ang pagkalat ng mga loose firearm. Kasunod nito, inatasan… Continue reading 2025 mid-term elections, pinaghahandaan na ng PNP

Artificial Intelligence (AI), balak na ring gamitin ng PhilHealth

Pinaplano ngayon ng Philippine Health Insurance Corporation (PHILHEALTH) na gamitin ang Artificial Intelligence (AI) para pabilisin ang pagpoproseso ng kanilang Health Insurance claims. Ayon sa PHILHEALTH, isinasaayos lamang ang mga panuntunan alinsunod sa mga patakaran ng ahensya kung saan, inaasahang ipoproseso ng itatayong AI-powered system ang mga claim real-time. Kasama sa mga inaasahang resulta ay… Continue reading Artificial Intelligence (AI), balak na ring gamitin ng PhilHealth

CHR, iba’t ibang grupo, nagkaisa sa kampanyang ‘Basta Run Against Torture’

Maagang nagtipon-tipon ang mga kinatawan mula sa Commission on Human Rights (CHR), kasama ang Association for the Prevention of Torture (APT), Task Force Detainees of the Philippines (TFDP), at ang United Against Torture Coalition (UATC) – Philippines para sa pag-arangkada ngayong araw ng Basta Run Against Torture (BRAT) XIV. Ito ay kasabay ng paggunita sa… Continue reading CHR, iba’t ibang grupo, nagkaisa sa kampanyang ‘Basta Run Against Torture’

Mental health need ng mga OFW, pinatutugunan ng isang mambabatas

Nais ni OFW Party-list Representative Marissa Magsino na mas magkaroon ng access ang mga Filipino migrant workers sa Mental Health Program. Ito ang tinuran ng mambabatas matapos bisitahin at kumustahin ang mga OFW na nagtatrabaho sa Singapore at Taiwan. Ayon kay Magsino, bagamat masaya naman sa pagtatrabaho ang mga OFW, marami ang nahaharap din sa… Continue reading Mental health need ng mga OFW, pinatutugunan ng isang mambabatas

LGUs na kampeon pagdating sa pagsusulong ng mga programa kontra kagutuman, paparangalan ng DSWD

Bibigyang parangal ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Galing Pook Foundation (GPF) ang mga local government units (LGUs) na masigasig sa kanilang inisyatiba na wakasan ang kagutuman sa bansa. Ayon kay DSWD Spokesperson Assistant Secretary Irene Dumlao, 10 lokal na pamahalaan ang pipiliin sa Walang Gutom Awards kung saan ang bawat mananalong… Continue reading LGUs na kampeon pagdating sa pagsusulong ng mga programa kontra kagutuman, paparangalan ng DSWD

Driver’s license ng tsuper na nag-body shame ng pasahero, pinasususpinde na; operator ng jeep, pinagmumulta rin

Inirekomenda na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa Land Transportation Office (LTO) na agad suspendihin ang driver’s license ng tsuper ng jeep na namahiya at nag-body shame sa isang pasahero noong June 7. Batay ito sa inilabas na desisyon ng LTFRB NCR kahapon, June 25, matapos ang isinagawang pagdinig at imbestigasyon sa… Continue reading Driver’s license ng tsuper na nag-body shame ng pasahero, pinasususpinde na; operator ng jeep, pinagmumulta rin

ASEAN countries, kailangang manindigan laban sa agresibong hakbang ng China sa mga inaangking teritoryo nito sa karagatan — Philippine Navy

Dapat manindigan na rin ang iba pang mga bansang kasapi ng ASEAN laban sa mapangahas at agresibong hakbang ng China sa mga inaangkin nitong teritoryo sa karagatan. Ito’y matapos mamataan ang tinaguriang “MONSTER SHIP” ng China Coast Guard (CCG) na umaali-aligid sa Exclusive Economic Zone (EEZ) hindi lamang ng Pilipinas kundi maging ng iba pang… Continue reading ASEAN countries, kailangang manindigan laban sa agresibong hakbang ng China sa mga inaangking teritoryo nito sa karagatan — Philippine Navy

Tag-ulan, nakaapekto sa presyuhan ng Bangus sa mga pamilihan

Iniuugnay ang panahon ng tag-ulan sa paggalaw ng presyo ng ilang isda sa pamilihan partikular na ng Bangus. Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas sa Marikina Public Market, naglalaro na sa ₱240 hanggang ₱260 ang kada kilo ng sariwang Bangus. Habang may nagtitinda naman ng ₱200 hanggang ₱220 kada kilo subalit hindi na ito bagong hango.… Continue reading Tag-ulan, nakaapekto sa presyuhan ng Bangus sa mga pamilihan

Pamahalaan, nananatiling bukas sa pagrepaso at pagbabago sa pagpapatupad ng bawas-taripa sa bigas — NEDA

Tiniyak ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang pananatili nitong bukas na repasuhin at baguhin ang ilan sa mga panuntunan sa Executive Order no. 62. Ito’y may kaugnayan sa pagpapataw ng bawas-taripa sa mga inaangkat na bigas sa bansa na layuning pababain ang presyo nito sa mga pamilihan. Ayon kay NEDA Secretary Arsenio Balisacan,… Continue reading Pamahalaan, nananatiling bukas sa pagrepaso at pagbabago sa pagpapatupad ng bawas-taripa sa bigas — NEDA

Review sa tapyas taripa ng imported rice, itinakda sa Nobyembre — DA

Hindi iniaalis ng Department of Agriculture (DA) ang posibilidad na magrekomenda rin ito ng pagtaas ng taripa sa imported na bigas bago matapos ang taon. Sa isinagawang Media Kapihan sa PCCI forum, sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu-Laurel Jr. na titignan muna ang implementasyon ng tapyas-taripa at saka ito isasalang sa review sa buwan ng… Continue reading Review sa tapyas taripa ng imported rice, itinakda sa Nobyembre — DA