7 miyembro ng CPP-NPA, patay sa engkuwentro sa Pantabangan sa Nueva Ecija

Nasa pitong miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) ang patay matapos sumiklab ang engkuwentro sa pagitan nila at ng tropa ng Army’s 84th Infantry Battalion sa Pantabangan, Nueva Ecija. Ang naturang engkuwentro ay bunga na rin ng nagpapatuloy na hot pursuit operations buhat sa isinagawang aerial strike ng militar… Continue reading 7 miyembro ng CPP-NPA, patay sa engkuwentro sa Pantabangan sa Nueva Ecija

La Mesa Ecopark, bubuksan na sa publiko sa Sabado

Matapos ang ilang buwang rehabilitasyon ay muli nang magbubukas sa publiko sa darating na Sabado, June 29, ang first phase ng La Mesa Ecopark. Pangungunahan ito ng Manila Water Company (MWC), katuwang ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) at Quezon City government. Ayon sa Manila Water, kasama sa first phase ng La Mesa Ecopark… Continue reading La Mesa Ecopark, bubuksan na sa publiko sa Sabado

DA, posibleng aprubahan ang pag-aangkat ng asukal sa Hulyo

Posibleng mag-isyu ang Department of Agriculture (DA) ng panibagong sugar order para pahintulutan ang pag-aangkat ng 200,000 metric tons (MT) ng imported na asukal. Ayon kay Secretary Francisco Tiu-Laurel Jr., ikinukonsidera niyang aprubahan ito sa buwan ng Hulyo. Paliwanag ng kalihim, layon nitong mapunan ang gap o ang inaasahang magiging kakulangan sa suplay sa mga… Continue reading DA, posibleng aprubahan ang pag-aangkat ng asukal sa Hulyo

Totoong pagkatao ni suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, nakwestiyon sa pagkakasiwalat ng NBI clearance ng isa pang ‘Alice Leal Guo’

Kinuwestiyon ni Senador Risa Hontiveros ang totoong pagkatao ni suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo kasabay ng pagpresenta ng isang NBI clearance na nagpapakita ng isa pang babaeng nagngangalan ring ‘Alice Leal Guo’ pero ibang iba ang itsura sa alkalde. Sa pagdinig ng Senado kahapon, sinabi ni Hontiveros na kumbinsido siyang ninakaw lang ni Guo… Continue reading Totoong pagkatao ni suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, nakwestiyon sa pagkakasiwalat ng NBI clearance ng isa pang ‘Alice Leal Guo’

Ilang mapagsamantalang importers, iba-blacklist na ng DA

Desidido si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na i-blacklist na ang ilang nananamantalang importers sa bansa. Sa panayam sa media, sinabi ng kalihim na may nasampolan na itong importer ng bigas at sa ngayon ay may apat pang kumpanya ang nasa listahan nito ng iba-blacklist dahil sa kanilang kaugnayan sa agricultural smuggling. Dalawa sa… Continue reading Ilang mapagsamantalang importers, iba-blacklist na ng DA

Natitirang 3 LEDAC priority bills, kayang pagtibayin ng Kamara bago matapos ang taon

Sisikapin ng House of Representatives na maaprubahan ang tatlong LEDAC priority bills na nakabinbin pa bago matapos ang taon. Ayon kay Speaker Martin Romualdez, pinakahamon sa tatlong panukala ang amyenda sa Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) na kasalukuyang nasa committee deliberation pa. Kailangan kasi aniya isaalang-alang ang panig ng maraming stakeholders. Ngunit target aniya… Continue reading Natitirang 3 LEDAC priority bills, kayang pagtibayin ng Kamara bago matapos ang taon

OCD, magsasagawa ng symposium ngayong araw para sa paghahanda sa inaasahang pagtama ng “The Big One”

Hinikayat ng Office of Civil Defense (OCD) ang publiko na manood at makiisa sa ikinasa nilang symposium o pag-aaral. Ito’y para malaman ng lubusan ang mga paghahanda hinggil sa inaasahang pagtama ng “The Big One” partikular na sa Metro Manila. Dito, tatalakayin ang iba’t ibang paksa upang maunawaan ang epektong dulot sakaling tumama ang Magnitude… Continue reading OCD, magsasagawa ng symposium ngayong araw para sa paghahanda sa inaasahang pagtama ng “The Big One”

San Juan LGU, humingi ng paumanhin kasunod ng mga nag-viral na video sa nakalipas na Wattah-Wattah Festival

Abot-abot ang paghingi ng paumanhin ng Pamahalaang Lungsod ng San Juan sa mga nangyaring gulo sa nakalipas na Wattah-Wattah Festival noong Lunes na nag-viral pa sa social media. Ipinakikita sa mga viral video ang animo’y kawalang respeto sa kapwa tao ng mga residente nito sa pagsasagawa ng tradisyonal na basaan na siyang tumatak na sa… Continue reading San Juan LGU, humingi ng paumanhin kasunod ng mga nag-viral na video sa nakalipas na Wattah-Wattah Festival

NGCP, handa na sa pagpasok ng La Niña phenomenon sa bansa

Tiniyak ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang kanilang kahandaan sa pagpasok ng panahon ng La Niña. Sa pulong-balitaan sa San Juan City, sinabi ni NGCP Spokesperson Atty. Cynthia Alabanza na nakipagpulong at nakapagsagawa na rin sila ng tinatawag na “blackout drills.” Layon nito na makita kung gaano kabilis ang paglalabas nila ng… Continue reading NGCP, handa na sa pagpasok ng La Niña phenomenon sa bansa

Cybercrime Investigation and Coordinating Center, pinag-iingat ang publiko sa text scams na ginagamit ang pangalan ng MMDA

Nanawagan ngayon ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) sa publiko na wag pansinin ang mga natatanggap na text scam sa traffic violations na ginagamit pa ang pangalan ng Metro Manila Development Authority (MMDA). Inisyu ni CICC Executive Director Alexander Ramos ang cybercrime advisory matapos ma-monitor ang bagong wave ng text scams na tina-target naman… Continue reading Cybercrime Investigation and Coordinating Center, pinag-iingat ang publiko sa text scams na ginagamit ang pangalan ng MMDA