3-milyong bagong trabaho hanggang 2028, target ng Administrasyong Marcos

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inihayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tatlong milyong bagong trabaho ang target na malikha hanggang 2028 o sa pagtatapos ng kanyang termino.

Sa 2024 National Employment Summit, inihayag ng Pangulo na malaki ang magagawa dito ng “Trabaho Para sa Bayan Plan”, na isang 10 year plan na magsisilbing gabay tungo sa  paglikha ng mas maraming trabaho.

Binigyang diin rin ng Pangulo, na bukod sa employment generation ay aabutin din aniya ng pamahalaan ang paglikha ng quality jobs kalakip ang paniniguro sa kapakanan ng mga manggagawa.

Palalakasin din sabi ng Pangulo ang upskilling ng mga obrero sa gitna ng tumitinding kumpetisyon sa international market.

Naririyan din aniya ang pamamayagpag ng digital expansion kaya dapat matiyak na nakakahabol dito ang mga manggagawang Pinoy sa pamamagitan ng reskilling at upskilling. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us