3 pulis, napaulat na nag-eescort sa mga Chinese — PNP-IMEG

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mahigpit nang tinututukan ng Philippine National Police – Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG) ang mga pulis na hindi awtorisadong mag-escort sa mga VIP.

Sa katunayan, sinabi ni PNP-IMEG Director, Police Brig. Gen. Warren De Leon na may natatanggap silang ulat na tatlong pulis na nag-eescort sa ilang Chinese national na pawang nagmula sa iba’t ibang unit ng National Capital Region Police Office (NCRPO).

Aniya, laging mamamataan ang mga naturang pulis sa mga Hotel at Casino na nakasuot ng civilian attire.

Dagdag pa ni De Leon, may natatanggap din silang ulat na mga pulis na nag-eescort subalit lumabas sa beripikasyon na lehitimo ang kanilang lakad.

Nagpositibo ang impormasyon na hawak nila na sangkot sa “moonlighting” ang mga naturang pulis batay sa testimonya ng security guard pero nang nag-operate sila ay wala na sa lugar ang naturang mga pulis.

Hinikayat din nila ang publiko na isumbong sa kanila sakaling may mga pulis na napag-alaman nilang nasasangkot sa iligal na aktibidad. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us