Tuloy-tuloy ang operasyon ng Department of Transportation-Special Action and Intelligence Committee for Transportation (DOTr-SAICT) sa EDSA Busway.
Sa nasabing operasyon sa EDSA Busway Ortigas Southbound kaninang umaga, nasa 34 na mga sasakyan ang nahuli dahil hindi awtorisadong pagdaan sa busway.
Sa bilang na ito, 25 motorsiklo ang nahuli na pawang nagmamadali, walong pribadong sasakyan, at isang sasakyan ng pamahalaan.
Ang mga nahuling motorista ay pawang inisyuhan ng Temporary Operator’s Permit (TOP) at Disregarding Traffic Sign (DTS) violation, at may multang P,5000 para sa unang paglabag.
Muli naman nagpaalala ang DOTr-SAICT na tanging ang Presidente, Bise Presidente, Senate President, Speaker of the House of Representatives, at Supreme Court Chief Justice lamang ang pinapayagang dumaan sa EDSA busway. | ulat ni Diane Lear