Hindi bababa sa apat na opisyal ng Land Transportation Office (LTO) ang inalis sa pwesto matapos ang ikinasang performance evaluation sa lahat ng district at satellite office heads ng ahensya.
Ayon kay LTO Chief Assistant Secretary Atty. Vigor Mendoza II, inalis sa pwesto ang mga opisyal na mula sa Iloilo, Antique, at Negros Occidental dahil sa mabagal na serbisyo.
Agad naman aniyang napalitan rin ang mga nabakanteng posisyon mula sa LTO Western Visayas.
Paliwanag naman ni Mendoza, ang ginawang evaluation ay normal na proseso sa mga opisyal lalo’t itinataguyod ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kahusayan sa serbisyo publiko sa ilalim ng ‘Bagong Pilipinas.’
Umaasa naman si Mendoza na magsilbing paalala ito sa lahat ng opisyal ng ahensya na sikaping tuparin ang kanilang obligasyon at siguruhin ang dekalidad na serbisyo sa mga kliyente. | ulat ni Merry Ann Bastasa