Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Maritime Industry Authority (MARINA) matapos makaranas ng cyber attack kahapon.
Sa pahayag ng MARINA, apat na web-based system ang nakompromiso sa nangyaring pag-atake ng mga hindi pa kilalang grupo.
Dahil dito, ipinadala na ng MARINA ang mga kailangang tauhan sa Central Office para agad mapangalagaan ang integridad ng sistema.
Humingi na rin ang MARINA Information Technology sa Department of Information and Communications Technology (DICT) Cybercrime Investigation and Coordinating Center para sa mas mabilis na imbestigasyon.
Kasama na dito ang paggawa ng paraan para mabawasan ang epekto ng data breach at mapabilis ang pagbabalik ng sistema para makatanggap at magproseso ng aplikasyon bukas, June 18.