Maliban sa serbisyo at programang dala ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sa Surigao del Sur, ilan pang benepisyaryo mula sa mahahalagang sektor ang nabigyan ng ayuda.
6,000 Surigaonon na pawang mga mag-aaral, maliliit na negosyante at vulnerable sector ang nabigyan ng libreng bigas at tulong pinansyal.
2,000 senior citizen, solo parents, at PWD ang nakatanggap ng ₱3,000 na cash aid sa ilalim ng AICS at 10 kilo ng bigas sa pamamagitan ng Cash and Rice Distribution (CARD) Program.
“’Pag may BPSF sa isang lugar, tiyak na may distribution din sa ilalim ng CARD, SIBOL at ISIP. At atin itong hinihiwalay para masiguro na ating maabot ang ilang sektor ng lipunan na nahihirapan sa ating panahon ngayon,” sabi ni Speaker Romualdez.
Nakatanggap naman ang 2,000 benepisyaryo ng tig-₱5,000 na tulong pinansyal at 5 kilo ng bigas sa ilalim SIBOL naman tumutulong sa maliliit na negosyante.
Habang ang 2,000 mag aaral naman na benepisyaryo ng ISIP ay may tig-₱2,000 kada anim na buwang cash aid. Maliban pa ito sa 5 kilo ng bigas.
Maipapasok din sila sa Tulong Dunong Program (TDP) ng CHED. | ulat ni Kathleen Jean Forbes