Umabot sa 43 volcanic earthquake o pagyanig ang naitala sa Mt. Kanlaon sa Negros sa nakalipas na 24-oras.
Batay yan sa inilabas na update ng PHIVOLCS ngayong umaga.
Ayon sa PHIVOLCS, umabot rin sa 797 tonnes ng sulfur dioxide din ang ibinuga ng bulkan.
Matatandaang bandang 6:51 kagabi nang sumabog ang bulkan na tumagal ng anim na minuto at naglabas ng fume o voluminous emission na may 5,000 metro ang taas.
Sa kasalukyan, nakataas pa rin ang Alert Level 2 sa bulkan kung saan mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa 4-kilometer radius ng bulkan o permanent danger zone. | ulat ni Merry Ann Bastasa