Dineploy ng 3rd Infantry Division ng Philippine Army ang 464 nilang tauhan kabilang ang CAFGU Active Auxiliaries (CAAs) at 42 sasakyan sa Negros Island bilang paghahanda sa gitna ng aktibidad ng Bulkang Kanlaon.
Ang mga dineploy na tauhan ay kabilang sa 47 Disaster Response Task Units (DRTUs) mula sa 79th, 62nd, at 94th Infantry Battalion, at 542nd Engineer Construction Battalion ng 303rd Infantry Brigade; at 47th at 15th Infantry Battalion ng 302nd Infantry Brigade.
Ayon kay 3ID Commander Major General Marion Sison, ang pag-activate ng mga DRTU ay para agad na makaresponde ang militar anuman ang mangyari sa Mt. Kanlaon.
Bukod dito, nagsasagawa din ng community awareness programs ang Philippine Army katuwang ang mga Local Government Unit (LGU) at kinauukulang ahensya ng gobyerno, para maipaalam sa mga residente ang evacuation procedures, emergency contacts, at safety measures. | ulat ni Leo Sarne
: 3ID