Malugod na tinanggap ng Philippine Navy ang 48 miymebro ng legislative staff at empleyado ng Senado bilang mga Naval Reservist.
Ito’y matapos nilang makumpleto ang Basic Citizen Military Course (BCMC) Class 10-24 kahapon sa Phil. Navy Headquarters.
Pinangunahan ni Phil. Navy Flag Officer in Command Vice Admiral Toribio Adaci Jr. kasama si Naval Reserve Command (NRC) Commander, Marine Major Gen. Joseph Ferrous Cuison, ang graduation Ceremony ng mga bagong Reservist, kung saan naging panauhing pandangal si Sen. Robin Padilla.
Binati ni VAdm. Adaci ang mga Reservist sa kanilang pagsali sa Philippine Navy, na aniya’y napapanahon, ngayong nahaharap ang bansa sa matinding hamon sa karagatan.
Sinabi naman ni Sen. Padilla na inaasahan niya na ang ehemplo ng mga tauhan ng Senado ay magsilbing inspirasyon para sa kabataan na tumindig din para sa bayan. | ulat ni Leo Sarne