49 pamilya, inilikas kasunod ng sumiklab na engkuwentro ng militar at NPA sa Nueva Vizcaya

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aabot sa 49 pamilya ang kinailangang ilikas ng mga tropa ng Philippine Army kasunod ng sumiklab na engkuwentro sa pagitan nila at ng New People’s Army sa Brgy. Abuyo, Alfonso Castañeda sa Nueva Vizcaya kahapon.

Ito’y ayon kay Army’s 84th Infantry Battalion Commander, Lt. Col. Jerald Reyes, kasunod na rin ng isinagawa nilang hot pursuit operations laban sa mga nakatakas na rebelde.

Ayon kay Reyes, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa mga iligal na aktibidad na ginagawa ng mga miyembro ng Kilusang Larangang Guerilla Tarlac-Zambales sa Sitio Marikit sa nasabing bayan.

Target aniya ng mga rebelde na magsagawa ng krimen sa mga lugar na deklarado nang nasa state of Stable Internal Peace and Security.

Bagay na mariing kinondena ni Army’s 703rd Infantry Brigade Commander, BGen. Joseph Norwin D. Pasamonte kaya’t pinaigting nila ang pagtugis sa mga ito sa pamamagitan ng pagkakasa ng aerial at combat operations laban sa mga ito.

Hindi aniya sila titigil hangga’t hindi naibabalik sa normal ang sitwasyon sa lugar na itinuturing nilang tahimik at mapayapa. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us