Pinag-iingat ngayon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang lahat ng benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa mga kumakalat na pekeng Facebook post na nagsasabing mayroong schedule for grant payout.
Ayon kay DSWD Asst. Secretary for Disaster Response Management Group (DRMG) at Spokesperson Irene Dumlao, nakatanggap ang ahensya ng report kaugnay sa nasabing viral post na mayroong naka-iskedyul na payout para sa mga miyembro ng 4Ps.
Paglilinaw nito, hindi ito nagpapalabas ng ganitong anunsyo para matiyak ang kapakanan ng mga benepisyaryo alinsunod sa Data Privacy Act of 2012.
“All official announcements, including payout schedules for the 4Ps program, are also disseminated through the official page of 4Ps: (https://www.facebook.com/DSWDPantawidPamilya),” paglilinaw pa ng tagapagsalita ng ahensya.
Sabi pa ng opisyal, tanging ang DSWD at ang Landbank of the Philippines lamang din ang awtorisadong magbigay ng anunsyo para sa payroll schedules sa pamamagitan ng kanilang official social media page.
“We understand the critical role the 4Ps grants in supporting our beneficiaries. We urge everyone to be vigilant against any disinformation or misinformation and to always check our official social media platforms for updates,” dagdag pa ni Asst. Sec. Dumlao. | ulat ni Merry Ann Bastasa