5,000 miyembro ng pride community, nakatanggap ng tulong pinansyal sa pamamagitan ng AKAP Program

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bilang pakikibahagi sa Pride Month, pinangunahan ni First Lady Louise Araneta-Marcos at Speaker Martin Romualdez ang pamamahagi ng financial assistance sa kwalipikadong miyembro ng LGBTQIA+ sa Mandaluyong City, sa ilalim ng AKAP program.

Nasa 5,000 indibidwal mula sa pride community ng Mandaluyong at miyembro ng LGBTQ Pilipinas ang napakalooban ng tig-P5,000 sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Personal rin itong sinaksihan ni Mandaluyong Vice Mayor Menchie Abalos at Department of the Interior and Local Government (DILD) Secretary Benhur Abalos kasama si Presidential Son Vinny Marcos.

“The LGBTQIA+ community has long been a solid and vibrant partner in our nation’s journey toward progress and development. Today, we recognize and celebrate your vital role in nation-building,” sabi ni Speaker Romualdez.

Muling iginiit ni Speaker Romualdez, na ang AKAP ay patotoo sa commitment ng pamahalaan na itaas ang antas ng pamumuhay ng mga Pilipino, lalo na ng mga mahihirap at near poor.

Hindi lang aniya ito basta tulong pinansyal ngunit pagkilala sa pakikiisa sa LGBTQIA+ at pagsusulong sa equal rights.

Kasabay nito ay inilunsad din ang LAB4ALL program para sa kanila. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us