Pitong matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) ang inilipat ng pwesto alinsunod sa utos ni PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil.
Base sa Special Order na nilagdaan ni PNP Directorate for Personnel and Records Management (DPRM) Chief Police Major General Sydney Sultan Hernia, ang bagong assignment ng mga opisyal ay epektibo kahapon (June13).
Kasama sa mga binalasa sina Police Maj. Gen. Oliver Lee mula sa Directorate for Operations (DO), Police Brig. Gen. Aligre Lamsen Martinez mula sa Police Regional Office-11, at Police Col. Edwin De Luna Portento mula sa Intelligence Group na lahat inilipat sa Personnel Holding and Accounting Unit (PHAU) ng DPRM.
Si Police Brig. Gen. John Cayaban Chua ay inilipat naman mula sa Area Police Command (APC) Visayas sa National Police Training Institute (NPTI).
Si Police Brig. Gen. Lex Ebrahim Corpus Gurat mula sa NCRPO ay napunta sa Directorate for Plans (DPL); si Police Brig. Gen. Nicolas Supan Salvador mula sa DPL ay nalipat sa DO; at si Police Brig. Gen. Nicolas deloso Torre III mula sa Communications and Electronics Sevice (CES) ay itinalaga sa PRO-11. | ulat ni Leo Sarne