7 miyembro ng CPP-NPA, patay sa engkuwentro sa Pantabangan sa Nueva Ecija

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nasa pitong miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) ang patay matapos sumiklab ang engkuwentro sa pagitan nila at ng tropa ng Army’s 84th Infantry Battalion sa Pantabangan, Nueva Ecija.

Ang naturang engkuwentro ay bunga na rin ng nagpapatuloy na hot pursuit operations buhat sa isinagawang aerial strike ng militar laban sa Komiteng Rehiyong Gitnang Luzon ng CPP-NPA sa Nueva Vizcaya noon pang June 20.

Kasunod nito, iniulat din ng militar ngayong umaga na hindi bababa sa 10 matataas na kalibre ng armas ang nakuha mula sa mga napatay na hindi pa pinangalanan at may nakuha ring mga subersibong dokumento.

Wala namang nasawi o nasaktan sa panig ng pamahalaan.  | ulat ni Jamark Dagala

📸: AFP

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us