Mino-monitor na ng Department of Health (DOH) ang pagtaas ng kaso ng dengue sa pitong rehiyon sa bansa.
Ayon kay Health Assistant Secretary at Spokesperson Dr. Albert Domingo, nakitaan na nila ng pagtaas ng kasong ng dengue ang mga rehiyon ng Ilocos, Cordillera, MIMAROPA, Caraga, Zamboanga Peninsula, at Northern Mindanao.
Nakapagtala ang DOH ng 70,498 na mga kaso mula January 1 hanggang June 1 kung saan 197 ang namatay.
Dahil dito, umaapela ang ahensya sa publiko na mas lalo pang paigtingin ang kalinisan upang hindi na tumaas pa ang kaso ng dengue.
Ngayong buwan ang inaasahang pagtaas ng naturang sakit dahil sa pagpasok ng panahon ng tag-ulan. | ulat ni Mike Rogas