Inalis na ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang yellow alert sa Luzon grid kaninang madaling araw.
Ayon sa NGCP, nasa 11,572MW na ang available capacity ng grid at may peak demand na 10,502MW.
Mula 1:00 ng hapon kahapon hanggang alas-12:00 ng madaling araw kanina, itinaas sa red alert status ang Luzon grid.
Ang pagtaas ng red at yellow alert intervals ay dahil sa outage ng Ilijan Block A & B (1,200MW).
Dahil dito, maraming lugar sa Luzon ang isinailalim sa manual load dropping o rotational brownout hanggang kagabi.
Pero pagsapit ng alas-12:45 ng madaling araw kanina ibinaba ang red alert sa yellow alert status hanggang ganap na alisin kaninang alas-2: 07 ng madaling araw. | ulat ni Rey Ferrer