Hindi pa nag-uumpisa sa panghuhuli ng mga unconsolidated jeepney ang Metro Manila Development Authority (MMDA).
Ito’y sa kabila ng anunsyo ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na sisimulan nang hulihin ang mga passenger jeepney na itinuturing nang colorum.
Ayon kay MMDA Acting Chairperson Romando Artes, wala pa silang natatanggap na guidelines ukol dito hanggang sa ngayon.
Sa darating na Hunyo 20 magpapatawag ng pulong ang MMDA kasama ang transport sector at Philippine National Police (PNP) para talakayin na ito.
Kasama ring pag-uusapan sa gagawing pulong ang ikinakasang kilos protesta ng mga transport group na nakaapekto sa daloy ng trapiko. | ulat ni Rey Ferrer