8-hours duty para sa mga nagpapatrolyang pulis, ipinag-utos ng PNP Chief

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) Chief, PGen. Rommel Francisco Marbil ang 8-oras na duty para sa mga pulis na nasa lansangan mula sa kasalukuyang 12-oras.

Ito’y kasunod na rin ng naunang kautusan ng PNP Chief na dagdagan ang mga tauhan nila sa lansangan upang paigtingin pa ang kanilang presensya sa ilalim na rin ng kanilang kampaniya kontra krimen at iligal na droga.

Layon nito, ayon sa PNP Chief, na mabigyan ng sapat na oras ang mga pulis para sa kanilang pamilya sa kabila ng pagtupad nila sa tungkulin.

Una na ring inanunsyo ng PNP Chief ang pagbibigay ng Health Insurance para sa mga pulis upang mapangalagaan din nila ang kanilang kalusugan.

Magugunitang ang hakbang ay inilatag ng yumaong Health Undersecretary Camilo Cascolan noong siya pa ang hepe ng Pambansang Pulisya. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us