8 persons under Police custody ng San Jose del Monte City PNP, nakatakas; 3 naibalik, 5 pinaghahanap pa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Puspusan ang ginagawang manhunt operations ng San Jose del Monte City Police Office sa lima pang nakatakas na Persons Under PNP Custody.

Ito’y kasunod ng nangyaring jailbreak o ang pagpuga ng nasabing mga detenido sa naturang piitan dakong alas-3 ng umaga kahapon.

Gayunman, kinumpirma ni San Jose del Monte City Police Chief, Police Lt. Col. Edilmar Alviar na tatlo sa mga nakapugang detenido ang nasakote at naibalik na ng piitan.

Ang mga nakatakas ay pawang may kinahaharap na kasong may kinalaman sa iligal na droga gayundin sa iligal na pag-iingat ng armas.

Dahil dito, inalerto ng San Jose del Monte City Police ang mga karatig nitong bayan sa buong lalawigan para sa pagsasagawa ng drag net operations gayundin ang pagpapagana sa Bulacan Shield Alpha. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us