AFP Chief, nakatakdang bumisita sa mga sundalong binully ng China

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakatakdang bisitahin ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. ang mga tropang apektado ng huling insidente ng pangha-harass ng China sa West Philippine Sea (WPS).

Sa isang mensahe sa mga mamamahayag sinabi din ni Gen. Brawner, na personal niyang kukumustahin ang mga tauhan ng AFP Western Command na pangunahing nakatutok sa pagbabantay sa WPS.

Samantala sinabi naman ni AFP Public Affairs Office Chief Colonel Xerxes Trinidad, na kinukumpirma pa ng AFP ang kalagayan ng mga sundalong lulan ng resupply vessel na hinarass ng Chinese Coast Guard.

Ito’y sa gitna ng mga ulat na may nasugatan sa insidente.

Matatandaang sinabi kagabi ni US Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson sa isang “X” message, na ang agresibo at mapanganib na aksyon ng China ay nagresulta sa “bodily harm” at pinsala sa barko ng Pilipinas. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us