Muling tiniyak ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang seguridad ng mga mangingisda sa West Philippine Sea.
Inihayag ito ni AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. ngayong simula na ang planong panghuhuli ng China sa mga dayuhang papasok sa inaangkin nilang teritoryo na sakop ng Pilipinas.
Sinabi ni Brawner na wala raw dapat ikabahala ang mga mangingisda at hinihimok ang mga ito na patuloy lang sa paglalayag sa Exclusive Economic Zone(EEZ) ng bansa.
Aniya, katuwang ang Philippine Coast Guard, nakabantay ang pwersa ng AFP para protektahan ang mga mangingisda.
Ang Anti-Tresspassing Policy ng China ay simula na ngayong araw ay maaari na silang manghuli ng mga dayuhan at ipiit ng hanggang dalawang buwan ng walang pagdinig.| ulat ni Rey Ferrer