AFP, ikinaalarma ang kaliwa’t kanang fake news na kumakalat na layong sirain ang tiwala ng publiko sa pamahalaan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagsalita na si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff, General Romeo Brawner Jr. tungkol sa mga naglipanang disinformation na layong sirain ang tiwala ng publiko sa pamahalaan.

Ayon sa AFP Chief, lubhang naka-a-alarma ang kaliwa’t kanang fake news para maghasik ng kalituhan at panic upang mahati ang bansa gayundin ay malihis ang atensyon sa mas mahahalagang usapin.

Sa panahon ngayon ani Brawner, mahalagang maging maingat sa mga natatanggap na impormasyon gayundin sa mga ipinakakalat na balita lalo na sa social media.

Nagiging bukas aniya ang bansa sa mga panlabas na hamon na siyang naka-a-apekto naman sa pambansang seguridad

Kasunod nito, muling tiniyak ni Brawner na mananatili silang magbabantay at poprotektahan ang bansa upang itaguyod ang kapayapaan gayundin ay isulong ang mga adhikain ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us