Itinanghal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kanilang disiplina at kaalaman sa tradisyonal na parade kahapon sa Quirino Grandstand sa pagdiriwang ng ika-126 na anibersaryo ng Araw ng Kalayaan.
Ang Independence Day Parade na pinangunahan ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ay nilahukan ng iba’t ibang unit ng Philippine Army, Philippine Navy, Philippine Air Force, Coast Guard, Philippine National Police, at iba pang ahensya ng gobyerno.
Dito’y ipinakita ng mga kalahok ang kani-kanilang papel sa pagtatanggol ng bansa.
Naaayon ito sa pahayag ng Pangulo kung saan kanyang binigyang-diin ang commitment ng buong bansa na ipagtanggol ang teritoryo ng Pilipinas, kasabay ng pagkilala sa mga nagpakabayani para makamit ng bansa ang kalayaan.
Tampok sa selebrasyon ngayong taon ang temang “Freedom, Future, History.” | ulat ni Leo Sarne
📸: SSg Ambay/PAOAFP