AFP Visayas Command, tumulong sa pre-emptive evacuation sa mga residenteng malapit sa Bulkang Kanlaon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinaigting pa ng Visayas Command (VISCOM) ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kanilang ginagawang mga hakbang kasunod na rin ng pag-aalburoto ng Bulkang Kanlaon sa Negros Island.

Ayon kay VISCOM Chief, Lieutenant General Fernando Reyeg, mahigpit ang ugnayan ng kanilang mga tauhan sa iba’t ibang Local Disaster Risk Reduction and Management Council (DRRMC) sa Western Visayas para tiyakin ang mabilis na pagresponde.

Sa katunayan ani Reyeg, aabot sa 945 na mga residente ang inilikas ng 62 Infantry Battalion sa ilang barangay sa Canlaon City, Bago City, Pontevedra, San Carlos City, La Carlota City, at La Castellana sa Negros Occidental.

Maliban dito, sinabi ni Reyeg na may naka-standby pa silang 464 na mga tauhan para magsilbing Humanitarian Assistance and Disaster Response Teams sa Western Visayas.

Kasunod nito, mahigpit ding binabantayan ng mga sundalo, katuwang ang lokal na Pulisya at DRRMO ang mga bayang sakop ng 4-kilometer radius permanent danger zone.  | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us