Agarang tulong sa mga OFW na naapektuhan ng sunog sa Kuwait at sa kanilang pamilya, panawagan ng isang mambabatas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanawagan si OFW Party-list Representative Marissa Magsino sa pamahalaan para sa agarang tulong sa mga OFW na naapektuhan ng sunog sa isang ‘heavily populated residential building’ sa Mangaf, Kuwait.

Ani Magsino, nakikidalamhati siya sa pagkamatay ng tatlong kababayan dahil sa naturang sunog.

Mahalaga aniya ngayon na maramdaman agad ng mga OFW at kanilang pamilya ang kalinga ng pamahalaan.

Panawagan nito sa Embahada sa Kuwait, Department of Migrant Workers (DMW), at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na maabutan ng tulong ang pamilya ng mga pumanaw na OFWs, medical assistance para sa mga nasa kritikal ang kondisyon, at pansamantalang matitirhan para sa mga nakaligtas sa sunog. 

Nakahanda rin aniya ang OFW Party-list sa anumang tulong na kakailanganin ng naapektuhang OFW at kanilang mga kapamilya.

Kasabay nito, hiling ni Magsino na magabayan ang mga OFW sa pagpili ng kanilang matitirhan sa kanilang host countries upang maiwasang maulit ang ganitong trahedya.  | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us