Opisyal nang inilunsad ang Handbook on Islam in Places of Detention.
Ito ay pinangunahan ng United Nations Office on Drugs and Crime (UNODC) kung saan sinuportahan din ito nina Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Catapang Jr. at iba pang stakeholders.
Ang naturang handbook ay nag rerepresenta sa collaborative effort ng mga ahensya ng pamahalaan gaya ng Philippine National Police (PNP), BuCor, Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), National Commission on Muslim Filipinos (NCMF), at Commission on Human Rights (CHR).
Ayon sa UNOCD, ang naturang handbook is dinisenyo para suportahan ang mga custodial officers na nasa frontlines ng piitan, at iba pang lugar ng detention sa bansa.
matutulungan din nito ang mga senior managers at decision-makers sa mga ahensya ng pamahalaan na may responsibilidad sa may hawak sa custody ng mga persons deprived of liberty (PDLs).
Layon din ng naturang handbook na tulungan ang development at implementasyon ng mga polisiya na nagsusulong ng culturally sensitive environment, na siyang magtitiyak naman na ang trato sa mga PDLs ay naayon sa international standards.
Ayon kay Bureau of Corrections Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. ang nasabing handbook ay isang milestone at magigibg bahagi ng kanilang reporma kung saan matutulungan aniya nito ang kanilang mga tauhan kung paano itrato ang kanilang mga kapatid na Muslim. | ulat ni Lorenz Tanjoco