Alklade ng Masinloc, Zambales, nilinaw na hindi pinagbabawalan ang pangingisda sa Bajo de Masinloc

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinabulaanan ni Masinloc, Zambales Mayor Arsenia Lim ang impormasyon na pinagbabawalan ang pangingisda sa Bajo de Masinloc (Scarborough Shoal).

Ayon kay Lim, ang tanging paalala niya sa kanilang mga kababayan ay huwag magtutungo sa parte ng karagatan na maaaring makapagsimula ng dahilan ng kaguluhan – o sa disputed part ng naturang karagatan.

Paliwanag ng alkalde, ito ay para maiwasan nang magkaroon pa ng dahilan para sa kaguluhan.

Sinabi ni Lim na dapat mangisda ang ating mga kababayan sa walang sagabal.

Sinegundahan naman ni Senate Majority leader Francis Tolentino na walang dapat ikatakot ang mga kababayan nating mangingisda doon dahil naroroon na ang dalawang malalaking barko ng ating Philippine Coast Guard.| ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us