Positibo si National Unity Party (NUP) President at Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte na lalo pang mapagbubuti ang buhay ng mga Pilipino kasunod ng pormal na pakikipag alyansa ng kanilang partido sa Partido Federal ng Pilipinas (PFP).
Aniya, magbibigay itong oportunidad sa dalawang partido na magkasamang gumawa ng mga hakbang upang maisulong ang Bagong Pilipinas kung saan ang mga Pilipino ay mayroong mas maayos na buhay.
“(This alliance) marks another watershed in the history of Philippine electoral politics (and) best illustrates that true-blue members of different mainstream political parties, given the right motivation or inspiration, can transcend partisan politics or personal interests in pursuit of the long-aspired genuine transformation of our public governance, our economy, and our society,” ani Villafuerte.
Sabi pa ni Villafuerte na gaya ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., hangad ng NUP ang isang maunlad at mapayapang Bagong Pilipinas kung saang walang Pilipinong maiiwan.
“We are thus proud to seal a formal alliance with the PFP as a splendid opportunity for both parties along with other like-minded groups to work together on advancing a new Philippines that promises a robust and inclusive growth and development for all Filipinos,” saad pa ni Villafuerte.
Nangako ang NUP na tutulungan ang administrasyong Marcos, gaya ng ginawa nito sa nakalipas na dalawang taon, upang mapabilis ang pag-unlad ng bansa.| ulat ni Kathleen Forbes